MANILA, Philippines – PARA kay Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro, ang balakin na patayin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ay maituturing na ‘greater ground’ para i-disbar ang isang abogado kaysa sa sinabi lamang niya na kamukha ni Vice-President Sara Duterte ang manikang si “Chucky” mula sa American horror film na “Child’s Play.”
“Mas ground for disbarment sa isang lawyer na may kinausap ng assasin para kitilin ang buhay ng Pangulo, First Lady at Speaker of the House. Mas ground for disbarment ng isang lawyer ang umaming pumapatay, nagnanakaw sa kaban ng bayan at nagbabayad para pumatay,” ayon kay Castro.
Iginiit ni Castro na “Freedom of expression ang karapatang madalas ipinaglaban pero hindi ang issue ng corruption tulad ng paggamit ng mga AFP certificates intended for youth summit to cover up the P15M confi funds kahit hindi pala dun ginastos. Atty. Michael Poa knows this too well.”
Matatandaang, nauna nang ipinahayag ni VP Sara na may napagbilinan na di umano niyang tao na patayin sina Pangulong Marcos, Unang Ginang Liza Araneta-Marcos, at dating House Speaker Martin Romualdez.
Taong 2024, naharap kasi ang Department of Education (DepEd) sa usapin ng paggamit ng sertipikasyon para sa Armed Forces of the Philippines (AFP) para i- justify ang P15-million confidential fund na inilaan bilang kabayaran sa mga informants noong 2023
Kinumpirma naman ni dating DepEd spokesperson Michael Poa sa House of Representatives hearing na hiniling niya kay dating DepEd Undersecretary at retired Major General Nolasco Mempin na mag- request ng certifications mula sa military units para suportahan ang multimillion-peso spending.
Iginiit ni Castro na “Freedom of expression ang karapatang madalas ipinaglaban pero hindi ang issue ng corruption tulad ng paggamit ng mga AFP certificates intended for youth summit to cover up the P15M confi funds kahit hindi pala dun ginastos. Atty. Michael Poa knows this too well.”
Samantala, Ikinumpara ni Palace Press Officer at Presidential Communication Office (PCO) Usec. Atty. Claire Castro si Vice President Sara Duterte sa manikang si “Chucky” mula sa American horror film na “Child’s Play.”
Ginawa ni Castro ang pagkukumpara sa bise presidente sa “Chucky Doll” sa kanyang YouTube Channel na “Let’s clear it with Atty. Claire kung saan nagbigay siya ng reaction sa isang video ni VP Sara.
Partikular na tinukoy ni Castro ang naging asal ni VP Sara nang tanungin kung ano ang mensahe nito kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ngayong Pasko.
“Magme-message daw ba kay PBBM? O tingnan n’yo ‘yong mukha niya mga ka-Kler. Nadinig lang ang pangalang ‘PBBM,’ tingnan n’yo siya ulit mga ka-Kler, may kahawig ito, e,” ani Castro.
Kasunod nito, ipinakita ni Castro sa kaniyang mga tagapanood ang larawan ng manikang “Good Guy Doll” na sinaniban ni Chucky na tila kamukha raw ni VP Sara kapag nagagalit at nagsasalubong ang kilay nito.
“Tingnan ninyo ‘yong itsura niya dito, parang ganito, e. Nagsasalubong ang kilay. Parang ganiyan. Parang ganiyan lang kapag galit,” ani Castro. Kris Jose