Manilq, Philippines – Ang mga netizens talaga, walang katiting na bagay ang hindi mapapansin.
Tulad na lang ng ipinost ng Cornerstone Entertainment na larawan sa Instagram kamakailan.
The photo showed its prime artists aboard a Canada-bound plane for a show.
In the photo ay ang talents ni Erickson Raymundo na sina Piolo Pascual, John Prats, Sam Milby at Catriona Gray.
Okey na sanang tinanggap ng mga netizens ang larawan except na ikinalungkot nila na hindi magkatabi sa eroplano sina Catriona at Sam.
Bale ba, the way they were referred to in PEP ay “ex-engaged couple.”
Na-sad tuloy ang mga netizens lalo na ‘yung mga sumubaybay how their romance blossomed.
The netizens had stuck with the couple hanggang maging engaged sila.
Kumbaga, they could no longer wait na makita silang ikinakasal.
Matatandaang February this year nang umugong na nagkakaproblema sina Cat at Sam but they wouldn’t disclose what it was.
Came May, nagulat na lang ang mga netizens nang burahing lahat ng Miss Universe 2018 ang kanilang engagement photos sa social media.
Ayon sa mga netizens, wari ay validation ‘yon na sa hiwalayan din ang kinabagsakan ng magkasintahan.
To this day, neither of them would admit kung ano na nga ba talaga ang estado ng kanilang relasyon–are they still a couple or no more? Ronnie Carrasco III