Home NATIONWIDE Catapang pabor na pagsamahin ang BuCor at BJMP

Catapang pabor na pagsamahin ang BuCor at BJMP

Bukas si Bureau of Corrections (BuCor) Director General Gregorio Pio Catapang Jr. sa mungkahi na pagsamahin ang BuCor at ang Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Naniniwala si Catapang na mas magiging epektibo at maayos ang pagsusulong ng reporma o pagbabago sa Persons Deprived of Liberty (PDL) kapag pinag-isa ang dalawang ahensya.

Layunin aniya ng pagsasanib na i-streamline ang operasyon at mga polisiya sa mga correctional facilities upang mapahusay ang pangangasiwa ng hustisya.

“By consolidating these two vital organizations, the government will create a more cohesive framework for managing correctional facilities and demonstrates a commitment to reform,” ani Catapang.

Kinakailangan na aniyang pagsamahin ang BuCor at BJMP upang magkaroon ng modernong corrections system.

“This effort not only seeks to optimize operations but also to improve the overall conditions within the penal system, ultimately promoting rehabilitation and reducing recidivism,” dagdag pa niya.

Una nang inihayag ni Interior and Local Government Secretary Jonvic Remulla ang planong pag-isahin ang dalawang ahensya bilang bahagi ng kautusan ni Pangulong Bongbong Marcos na ayusin ang resources ng bansa at bawasan ang problema sa siksikan sa mga bilanguan.

— Teresa Tavares