IN PHOTOS - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Wed, 18 Nov 2026 06:43:02 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.5 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png IN PHOTOS - Remate Online https://remate.ph 32 32 Operational centers, ininspeksyon ng MMDA sa ikatlong araw ng ASEAN Summit https://remate.ph/operational-centers-ininspeksyon-ng-mmda-sa-ikatlong-araw-ng-asean-summit/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=operational-centers-ininspeksyon-ng-mmda-sa-ikatlong-araw-ng-asean-summit https://remate.ph/operational-centers-ininspeksyon-ng-mmda-sa-ikatlong-araw-ng-asean-summit/#respond Wed, 18 Nov 2026 08:35:08 +0000 https://remate.ph/?p=766636 MANILA, Philippines – Personal na ininspeksyon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes ang mga operational center ng ahensya bilang bahagi ng tuloy-tuloy na operasyon sa ikatlong araw ng 49th ASEAN Summit 2026. Kabilang sa binisita ni Artes ang Emergency Operation Center (EOC) Headquarters, na nagsisilbing sentro ng monitoring at operasyon ng […]

The post Operational centers, ininspeksyon ng MMDA sa ikatlong araw ng ASEAN Summit first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Personal na ininspeksyon ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Atty. Don Artes ang mga operational center ng ahensya bilang bahagi ng tuloy-tuloy na operasyon sa ikatlong araw ng 49th ASEAN Summit 2026.

Kabilang sa binisita ni Artes ang Emergency Operation Center (EOC) Headquarters, na nagsisilbing sentro ng monitoring at operasyon ng Metro Manila Disaster Risk Reduction and Management Council (MMDRRMC).

Layunin nitong matiyak ang tuloy-tuloy na pagbabantay sa mga posibleng emergency at agarang koordinasyon sa mga kinauukulang ahensya sakaling magkaroon ng anumang insidente habang isinasagawa ang summit.

Nagtungo rin ang MMDA chairman sa Multi-Agency Coordinating Center (MACC), kung saan sama-samang nagsasagawa ng real-time monitoring sa mga aktibidad ng summit ang mga kinatawan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at nakikipag-ugnayan sa pagpapatupad ng mga hakbang sa seguridad.

Sa pamamagitan ng mga pasilidad na ito, napag-uugnay ang operasyon ng iba’t ibang ahensya upang mapanatili ang seguridad at maayos na pagtugon sa mga emergency sa buong Metro Manila habang idinaraos ang ASEAN Summit. Danny Querubin

 

The post Operational centers, ininspeksyon ng MMDA sa ikatlong araw ng ASEAN Summit first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/operational-centers-ininspeksyon-ng-mmda-sa-ikatlong-araw-ng-asean-summit/feed/ 0
TINGNAN: US President Donald Trump, dumating na sa Pinas https://remate.ph/tingnan-us-president-donald-trump-dumating-na-sa-pinas/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=tingnan-us-president-donald-trump-dumating-na-sa-pinas https://remate.ph/tingnan-us-president-donald-trump-dumating-na-sa-pinas/#respond Tue, 17 Nov 2026 10:03:10 +0000 https://remate.ph/?p=766440 DUMATING na sa Pilipinas si US President Donald J. Trump para dumalo sa 49th ASEAN Summit. Eksaktong alas-5:33 ng hapon lumapag sa Balagbag Ramp sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang bagong  Air Force One na sinakyan ni Trump. Ang mga opisyal ng gobyerno na sumalubong kay Trump ay sina Executive Secretary Ralph Recto, House […]

The post TINGNAN: US President Donald Trump, dumating na sa Pinas first appeared on Remate Online.

]]>

DUMATING na sa Pilipinas si US President Donald J. Trump para dumalo sa 49th ASEAN Summit.

Eksaktong alas-5:33 ng hapon lumapag sa Balagbag Ramp sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang bagong  Air Force One na sinakyan ni Trump.

Ang mga opisyal ng gobyerno na sumalubong kay Trump ay sina Executive Secretary Ralph Recto, House Majority Leader Sandro Marcos, Phl Ambassador to the US Amb. Jose Manuel “Babe” Romualdez, United States Ambassador to the Philippines, Lee Lipton at Pasay City Mayor Emi Calixto.

Samantala, sa pahayag ng White House, matapos dumalo sa ASEAN Summit ay magtutungo si Trump sa Shenzhen, China para sa APEC Leaders’ Summit. (KRIS JOSE) 

The post TINGNAN: US President Donald Trump, dumating na sa Pinas first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/tingnan-us-president-donald-trump-dumating-na-sa-pinas/feed/ 0
Mga katutubo, nanindigan kontra Pax Silica; lupang ninuno ipinaglaban https://remate.ph/mga-katutubo-nanindigan-kontra-pax-silica-lupang-ninuno-ipinaglaban/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=mga-katutubo-nanindigan-kontra-pax-silica-lupang-ninuno-ipinaglaban https://remate.ph/mga-katutubo-nanindigan-kontra-pax-silica-lupang-ninuno-ipinaglaban/#respond Mon, 16 Nov 2026 06:06:09 +0000 https://remate.ph/?p=766099 MANILA, Philippines – Nanawagan ang iba’t ibang grupo ng mga katutubo sa pamahalaan na unahin ang pangangalaga sa kanilang lupang ninuno at kabuhayan sa gitna ng pagtutol sa US-led Pax Silica initiative at pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas. Nakiisa ang mga katutubong Ayta, Igorot, Mangyan at Molbog sa mga organisasyong pangkarapatang pantao […]

The post Mga katutubo, nanindigan kontra Pax Silica; lupang ninuno ipinaglaban first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines – Nanawagan ang iba’t ibang grupo ng mga katutubo sa pamahalaan na unahin ang pangangalaga sa kanilang lupang ninuno at kabuhayan sa gitna ng pagtutol sa US-led Pax Silica initiative at pagbisita ni US President Donald Trump sa Pilipinas.

Nakiisa ang mga katutubong Ayta, Igorot, Mangyan at Molbog sa mga organisasyong pangkarapatang pantao at iba pang progresibong grupo sa kilos-protesta sa Liwasang Bonifacio, Maynila, nitong Lunes, Nobyembre 16, kasabay ng 49th ASEAN Summit.

(Eric Ocapan)

Kabilang sa mga lumahok ang humigit-kumulang 200 katutubong Ayta na nananawagang protektahan ang kanilang mga komunidad laban sa posibleng epekto ng planong Pax Silica industrial hub sa New Clark City, Tarlac.

Ikinababahala ng mga katutubo at environmental groups ang posibilidad ng pagkawala ng lupang ninuno, paglikas ng mga residente. RNT

The post Mga katutubo, nanindigan kontra Pax Silica; lupang ninuno ipinaglaban first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/mga-katutubo-nanindigan-kontra-pax-silica-lupang-ninuno-ipinaglaban/feed/ 0
“Dapat May Babala” campaign inilunsad sa malinaw na nutrition labels sa mga pagkain https://remate.ph/dapat-may-babala-campaign-inilunsad-sa-malinaw-na-nutrition-labels-sa-mga-pagkain/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dapat-may-babala-campaign-inilunsad-sa-malinaw-na-nutrition-labels-sa-mga-pagkain https://remate.ph/dapat-may-babala-campaign-inilunsad-sa-malinaw-na-nutrition-labels-sa-mga-pagkain/#respond Mon, 09 Nov 2026 11:36:49 +0000 https://remate.ph/?p=764672

The post “Dapat May Babala” campaign inilunsad sa malinaw na nutrition labels sa mga pagkain first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/dapat-may-babala-campaign-inilunsad-sa-malinaw-na-nutrition-labels-sa-mga-pagkain/feed/ 0
GABRIELA nauna nang magprotesta vs Pax Silica sa pagdating ni Trump https://remate.ph/gabriela-nauna-nang-magprotesta-vs-pax-silica-sa-pagdating-ni-trump/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=gabriela-nauna-nang-magprotesta-vs-pax-silica-sa-pagdating-ni-trump https://remate.ph/gabriela-nauna-nang-magprotesta-vs-pax-silica-sa-pagdating-ni-trump/#respond Mon, 09 Nov 2026 10:24:09 +0000 https://remate.ph/?p=764686

The post GABRIELA nauna nang magprotesta vs Pax Silica sa pagdating ni Trump first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/gabriela-nauna-nang-magprotesta-vs-pax-silica-sa-pagdating-ni-trump/feed/ 0
2K estudyante lumahok sa Kauna-unahang childrens’ run sa QC https://remate.ph/2k-estudyante-lumahok-sa-kauna-unahang-childrens-run-sa-qc/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=2k-estudyante-lumahok-sa-kauna-unahang-childrens-run-sa-qc https://remate.ph/2k-estudyante-lumahok-sa-kauna-unahang-childrens-run-sa-qc/#respond Sun, 08 Nov 2026 06:11:25 +0000 https://remate.ph/?p=764467

The post 2K estudyante lumahok sa Kauna-unahang childrens’ run sa QC first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/2k-estudyante-lumahok-sa-kauna-unahang-childrens-run-sa-qc/feed/ 0
Automated facial recognition ginamit sa paaralan sa QC sa dagdag seguridad https://remate.ph/automated-facial-recognition-ginamit-sa-paaralan-sa-qc-sa-dagdag-seguridad/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=automated-facial-recognition-ginamit-sa-paaralan-sa-qc-sa-dagdag-seguridad https://remate.ph/automated-facial-recognition-ginamit-sa-paaralan-sa-qc-sa-dagdag-seguridad/#respond Fri, 06 Nov 2026 05:00:11 +0000 https://remate.ph/?p=764096

The post Automated facial recognition ginamit sa paaralan sa QC sa dagdag seguridad first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/automated-facial-recognition-ginamit-sa-paaralan-sa-qc-sa-dagdag-seguridad/feed/ 0
Labor group naghahanda ng malawakang protesta sa pagbisita ni Trump sa PH https://remate.ph/labor-group-naghahanda-ng-malawakang-protesta-sa-pagbisita-ni-trump-sa-ph/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=labor-group-naghahanda-ng-malawakang-protesta-sa-pagbisita-ni-trump-sa-ph https://remate.ph/labor-group-naghahanda-ng-malawakang-protesta-sa-pagbisita-ni-trump-sa-ph/#respond Fri, 06 Nov 2026 02:18:11 +0000 https://remate.ph/?p=764048 MANILA, Philippines – Malawakang protesta ang sasalubong kay US President Donald Trump sa kanyang pagbisita sa Pilipinas para sa 49th ASEAN Summit, ayon sa labor alliance na All Workers Unity (AWU). Sa pahayag nitong Biyernes, Nobyembre 6, sinabi ng AWU na maglulunsad ito ng mga kilos-protesta bilang pagtutol sa mga polisiya ng administrasyong Trump na […]

The post Labor group naghahanda ng malawakang protesta sa pagbisita ni Trump sa PH first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines – Malawakang protesta ang sasalubong kay US President Donald Trump sa kanyang pagbisita sa Pilipinas para sa 49th ASEAN Summit, ayon sa labor alliance na All Workers Unity (AWU).

Sa pahayag nitong Biyernes, Nobyembre 6, sinabi ng AWU na maglulunsad ito ng mga kilos-protesta bilang pagtutol sa mga polisiya ng administrasyong Trump na anila’y nakaaapekto sa mga manggagawang Pilipino sa loob at labas ng bansa.

Binubuo ang alyansa ng mga manggagawa mula sa private sector, gobyerno, education, healthcare, agriculture, transport, business process outsourcing at overseas sectors.

Tinuligsa ng grupo ang “Make America Great Again” agenda ni Trump, na inilarawan nitong nagsusulong umano ng mga patakarang nakasasama sa lokal at overseas Filipino workers, partikular sa usapin ng ekonomiya at migration.

Binatikos din ng AWU ang papel ng Estados Unidos sa mga sigalot at tensyon sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Ayon sa grupo, may epekto ang mga ito sa pandaigdigang ekonomiya, inflation at tunay na halaga ng sahod ng mga manggagawa.

Kinondena rin ng alyansa ang lumalawak na military cooperation ng Pilipinas at US, na ayon dito ay naglalagay sa bansa sa gitna ng geopolitical competition ng Washington at Beijing.

Tinutulan din ng grupo ang mga bilateral economic at technology initiatives gaya ng Pax Silica.

Ayon sa AWU, nangangamba silang magamit ang mga ganitong programa upang palawakin ang impluwensya ng US sa critical minerals, semiconductor industry at artificial intelligence infrastructure ng Pilipinas.

Iginiit din ng grupo na maaaring makaapekto sa mga magsasaka at rural communities ang lumalawak na military at economic footprint ng US, kabilang ang umano’y displacement, pagtaas ng production costs at problema sa food security.

Tinanggihan naman ng AWU ang panawagang tratuhin lamang bilang karaniwang diplomatic visit ang pagdating ni Trump.

Iginiit ng grupo ang karapatan nitong magsagawa ng mapayapang kilos-protesta at hinikayat ang mga manggagawa na lumahok sa kanilang mga nakatakdang mobilisasyon.

“Trump is not welcome in the Philippines,” pahayag ng AWU. RNT

The post Labor group naghahanda ng malawakang protesta sa pagbisita ni Trump sa PH first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/labor-group-naghahanda-ng-malawakang-protesta-sa-pagbisita-ni-trump-sa-ph/feed/ 0
‘Zero Waste Undas’ ipinanawagan ng grupo https://remate.ph/zero-waste-undas-ipinanawagan-ng-grupo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=zero-waste-undas-ipinanawagan-ng-grupo https://remate.ph/zero-waste-undas-ipinanawagan-ng-grupo/#respond Thu, 29 Oct 2026 09:14:16 +0000 https://remate.ph/?p=762529 MANILA, Philippines – Nagsagawa ng candle-lighting ceremony ang EcoWaste Coalition sa Manila North Cemetery nitong Huwebes, Oktubre 29, bilang panawagan para sa mas malinis at zero-waste na paggunita ng Undas ngayong taon. Sa temang “Puede nang Mangarap ng Isang Malinis na Undas,” nakiisa rin sa aktibidad ang mga volunteer mula sa Samahan ng mga Mangangalakal […]

The post ‘Zero Waste Undas’ ipinanawagan ng grupo first appeared on Remate Online.

]]>

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng candle-lighting ceremony ang EcoWaste Coalition sa Manila North Cemetery nitong Huwebes, Oktubre 29, bilang panawagan para sa mas malinis at zero-waste na paggunita ng Undas ngayong taon.

Sa temang “Puede nang Mangarap ng Isang Malinis na Undas,” nakiisa rin sa aktibidad ang mga volunteer mula sa Samahan ng mga Mangangalakal sa Capulong.

📸 Eric Ocapan

📸 Eric Ocapan

Bukod sa pagsisindi ng kandila, nagsagawa rin ang grupo ng song and dance presentations at muling ipinakilala ang kanilang “Zombasura” character bilang paalala laban sa pagkakalat sa mga sementeryo at memorial parks.

“Basura sa Undas: Iwasan! Bawasan!” ang panawagan ng mga volunteer habang umiikot sa Manila North Cemetery.

Ayon kay EcoWaste Coalition Zero Waste Campaigner Ochie Tolentino, taon-taon ay nakikita pa rin ang tambak na basura, food wrappers, containers at iba pang kalat na iniiwan ng mga bumibisita sa mga sementeryo.

Ang bawat kandilang sinindihan sa seremonya ay sumisimbolo umano sa pangakong iwasan ang mga gawaing nakasasama sa kapaligiran at isulong ang mas malinis na All Saints’ Day at All Souls’ Day.

Naglabas din ang grupo ng kanilang tinatawag na “Cemetiquette”, kabilang ang paggamit ng reusable food and drink containers, pag-iwas sa single-use plastics, tamang pagtatapon ng basura, paggamit ng locally grown flowers na walang plastic wrapping, at pagpili ng clean-burning candles.

Hinimok din ang publiko na huwag magsunog ng basura, manigarilyo o mag-vape sa loob ng sementeryo.

Magpapatuloy naman ang EcoWaste Coalition sa pagmomonitor ng waste situation sa iba’t ibang memorial parks sa Luzon sa Nobyembre 1 at 2, kabilang ang pagtatala ng dumpsites, waste segregation practices at mga insidente ng trash burning. RNT

The post ‘Zero Waste Undas’ ipinanawagan ng grupo first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/zero-waste-undas-ipinanawagan-ng-grupo/feed/ 0