MANILA, Philippines – Malawakang protesta ang sasalubong kay US President Donald Trump sa kanyang pagbisita sa Pilipinas para sa 49th ASEAN Summit, ayon sa labor alliance na All Workers Unity (AWU).
Sa pahayag nitong Biyernes, Nobyembre 6, sinabi ng AWU na maglulunsad ito ng mga kilos-protesta bilang pagtutol sa mga polisiya ng administrasyong Trump na anila’y nakaaapekto sa mga manggagawang Pilipino sa loob at labas ng bansa.







