PAMPANGA – Dinamba ng Philippine National Police- Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang isang Municipal Engineer matapos umanong maaktuhang tumanggap ng halagang P50,000 na puwersahan umanong pinabayaran mula sa isang negosyante kapalit ang dalawang sertipikasyon mula sa pamahalaan sa ikinasang entrapment operation ng mga pulis sa mismong tanggapan nito sa munisipyo sa bayan ng San Simon.
Nahulog sa patibong (Entrapment) ang naturang inhinyero, makaraang makatanggap ng reklamo ang mga awtoridad dahil umano sa labis na paniningil ng suspek sa aplikasyon at pagproseso ng building permit at Certificate of Non-Coverage (CNC) para sa warehouse at building project.
Sa ulat, kita sa hawak na video ng ng mga awtoridad na huli sa akto na tumanggap ito ng pera at binilang pa mismo sa harap ng nag-abot na negosyante at mga pulis.
Mahaharap ang suspek sa mga kasong kriminal at administratibo. (Roel Tarayao)