Home METRO Oil spill sa Mariveles, Bataan; 500 sqm coastal waters sapul

Oil spill sa Mariveles, Bataan; 500 sqm coastal waters sapul

5
0

MANILA, Philippines – Isang oil spill na nakaapekto sa humigit-kumulang 500 square meters ng coastal waters ang iniulat sa Mariveles, Bataan nitong Huwebes, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG).

Sa pahayag nitong Biyernes, sinabi ng PCG na tinatayang 25 litro ng used oil ang natagpuan sa karagatang sakop ng Sitio Naswe, Barangay Ipag.

Ayon sa PCG, natanggap nila ang ulat hinggil sa hinihinalang oil spill bandang alas-9:30 ng umaga.

Batay sa paunang findings, posibleng nagmula ang langis sa washing activities, ngunit patuloy pang bineberipika ang eksaktong pinagmulan nito.

Upang mapigilan ang pagkalat ng langis, naglagay ang PCG at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office ng pitong absorbent booms at 2,200 absorbent pads sa apektadong bahagi ng baybayin.

Bandang alas-3:30 ng hapon, naglagay din ng oil spill booms ang mga tauhan ng PCG katuwang ang Mariveles Municipal Agriculture Office at Barangay Ipag.

Pagsapit ng alas-6:30 ng gabi, nakolekta na ng response team ang tinatayang 800 kilo ng oil-contaminated debris at mga nagamit na absorbent materials.

Inilagay ang mga ito sa 40 sako para sa pansamantalang pag-iimbak sa isang ligtas na lugar.

Nakatakdang ipagpatuloy ang cleanup operations nitong Biyernes.

Patuloy ding sinusuri ng PCG ang lawak ng apektadong coastal area habang nakikipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad upang mabawasan ang posibleng epekto nito sa kapaligiran. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here