TARA G - Remate Online https://remate.ph ANG DYARYO NG MASA ONLINE Mon, 03 Aug 2026 08:26:02 +0000 en-US hourly 1 https://wordpress.org/?v=7.1.3 https://remate.ph/wp-content/uploads/2025/09/512-150x150.png TARA G - Remate Online https://remate.ph 32 32 E-book na magpapakilala ng WPS sa mga kabataan, inilunsad ng DENR https://remate.ph/e-book-na-magpapakilala-ng-wps-sa-mga-kabataan-inilunsad-ng-denr/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=e-book-na-magpapakilala-ng-wps-sa-mga-kabataan-inilunsad-ng-denr https://remate.ph/e-book-na-magpapakilala-ng-wps-sa-mga-kabataan-inilunsad-ng-denr/#respond Mon, 03 Aug 2026 11:10:28 +0000 https://remate.ph/?p=742957 MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kauna-unahang  three-part e-book para ipakilala sa mga kabataan ang yamang -dagat ng bansa at ang kahalagahan ng West Philippine Sea (WPS). Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na tugon ito sa […]

The post E-book na magpapakilala ng WPS sa mga kabataan, inilunsad ng DENR first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Inilunsad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang kauna-unahang  three-part e-book para ipakilala sa mga kabataan ang yamang -dagat ng bansa at ang kahalagahan ng West Philippine Sea (WPS).

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Presidential Communications Office Undersecretary at Palace Press Officer Claire Castro na tugon ito sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawakin ang kaalaman ng kabataan.

Ayon kay Castro, pinangunahan ni DENR Secretary Juan Miguel Cuna ang paglulunsad ng “The Wonderful West Philippine Sea,” na bahagi ng patuloy na kampanya ng kagawaran upang mas madaling maunawaan ng mga bata ang marine science, pangangalaga sa kalikasan, at environmental education.

Ang unang bahagi ng e-book na “The Wonderful West Philippine Sea with Pawi the Sea Turtle” ay tumatalakay sa paglalakbay ni Pawi, isang pawikan, sa mga bakawan, seagrass beds, coral reefs, at mga pamayanang nasa baybayin ng West Philippine Sea.

“Ayon sa DENR, makatutulong ang e-book na maintindihan din ng mga kabataan ang kahalagahan ng food security, kabuhayan sa karagatan at shared heritage — at maunawaan sa simpleng paraan ang 2016 Arbitral Award,” ani Castro.

Bukod sa pangunahing layunin nitong magsilbing kagamitang pang-edukasyon para sa mga kabataan, sinabi ng Palace Press Office na maaari ring magsilbing mahalagang sanggunian ang e-book para sa mga kongresista.

Nakapaloob sa e-book ang ibat-ibang inter active activity tulad ng pagkilala sa iba’t ibang uri ng hayop at halaman sa karagatan, coloring book, at family pledge na naghihikayat sa wastong pangangalaga sa kalikasan sa pamamagitan ng pagbabawas ng paggamit ng single-use plastics, tamang pagtatapon ng basura, pagtitipid ng tubig, at pakikilahok sa mga community clean-up drive.

Sinabi ni Castro na umaasa ang pamahalaan na sa pamamagitan ng hakbang na ito, higit na mauunawaan ng bawat Pilipino, lalo na ng kabataan, ang kahalagahan ng West Philippine Sea.

“Hindi pagtatapon ng basura sa likod ng ahensya. Tiwala ang pamahalaan na sa ganitong paraan, maaalala ng bawat Pilipino at mga mambabatas —  lalong-lalo na ang mga kabataan — na atin ang West Philippine Sea,”giit pa ni Castro. (KRIS JOSE)

The post E-book na magpapakilala ng WPS sa mga kabataan, inilunsad ng DENR first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/e-book-na-magpapakilala-ng-wps-sa-mga-kabataan-inilunsad-ng-denr/feed/ 0
Perseid meteor shower, masisilayan sa Agosto https://remate.ph/perseid-meteor-shower-masisilayan-sa-agosto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=perseid-meteor-shower-masisilayan-sa-agosto https://remate.ph/perseid-meteor-shower-masisilayan-sa-agosto/#respond Fri, 31 Jul 2026 10:32:44 +0000 https://remate.ph/?p=742318 MANILA, Philippines – Maaaring masilayan sa Pilipinas ang Perseid meteor shower, isa sa pinakamalalaking meteor shower ngayong taon, ayon sa PAGASA. Ayon sa International Meteor Organization, magiging aktibo ang Perseids mula Hulyo 17 hanggang Agosto 24, at aabot sa 150 meteor kada oras ang maaaring makita sa pinakamagandang kondisyon ng kalangitan. Pinakamainam itong pagmasdan bago […]

The post Perseid meteor shower, masisilayan sa Agosto first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Maaaring masilayan sa Pilipinas ang Perseid meteor shower, isa sa pinakamalalaking meteor shower ngayong taon, ayon sa PAGASA.

Ayon sa International Meteor Organization, magiging aktibo ang Perseids mula Hulyo 17 hanggang Agosto 24, at aabot sa 150 meteor kada oras ang maaaring makita sa pinakamagandang kondisyon ng kalangitan. Pinakamainam itong pagmasdan bago magbukang-liwayway sa Agosto 12.

Magkakaroon din ng Kappa Cygnids meteor shower mula Agosto 3 hanggang 25, na inaasahang magpapakita ng humigit-kumulang tatlong meteor kada oras sa Agosto 17. Pinakamainam itong panoorin bandang 9:00 p.m.

Bukod sa meteor showers, magkakaroon din ng ilang malalapit na paglapit ng Buwan sa mga planeta ngayong Agosto:

–Agosto 4 – Buwan at Saturn

–Agosto 9 – Buwan at Mars

–Agosto 16 – Buwan at Venus

–Agosto 31 – Buwan at Saturn muli

Ipinahayag din ng PAGASA na bahagi ng Agosto ang Philippine Space Week, kung saan magkakaroon ng libreng planetarium shows, stargazing sessions, at telescope viewing sa PAGASA Planetarium at PAGASA Astronomical Observatory. Maaaring tingnan ang Facebook page ng PAGASA para sa iskedyul ng mga aktibidad. RNT/MDS

The post Perseid meteor shower, masisilayan sa Agosto first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/perseid-meteor-shower-masisilayan-sa-agosto/feed/ 0
Bagong entrance fee sa La Mesa Ecopark para sa non-QCitizens, inanunsyo https://remate.ph/bagong-entrance-fee-sa-la-mesa-ecopark-para-sa-non-qcitizens-inanunsyo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bagong-entrance-fee-sa-la-mesa-ecopark-para-sa-non-qcitizens-inanunsyo https://remate.ph/bagong-entrance-fee-sa-la-mesa-ecopark-para-sa-non-qcitizens-inanunsyo/#respond Fri, 31 Jul 2026 09:59:24 +0000 https://remate.ph/?p=742285 MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ang La Mesa Ecopark ng bagong entrance fee para sa mga hindi residente ng Quezon City. Simula Agosto 1, magiging ₱50 na ang bayad sa pagpasok para sa mga non-QCitizens, mula sa dating ₱20. Samantala, libre pa rin ang pagpasok ng mga residente ng Quezon City basta may QCitizen ID at […]

The post Bagong entrance fee sa La Mesa Ecopark para sa non-QCitizens, inanunsyo first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ang La Mesa Ecopark ng bagong entrance fee para sa mga hindi residente ng Quezon City.

Simula Agosto 1, magiging ₱50 na ang bayad sa pagpasok para sa mga non-QCitizens, mula sa dating ₱20.

Samantala, libre pa rin ang pagpasok ng mga residente ng Quezon City basta may QCitizen ID at naka-like sa Facebook page o naka-follow sa Instagram account ng parke.

Bukas na rin sa publiko ang Phase 2 ng La Mesa Ecopark, na may picnic area, lagoon, amphitheater, at mga pond, at libre itong gamitin ng mga bisita.

Sa Phase 1, makikita ang eco-viewing deck, BiodiverCity exhibit, at isa pang picnic area.

May kaunting bayad naman ang ilang pasilidad at aktibidad tulad ng pavilions, fishing area, butterfly garden, team building area, flower hill, nature trail, bike rentals, nipa hut rentals, at badminton/pickleball court.

Ang La Mesa Ecopark ay isang 33-ektaryang pampublikong parke sa loob ng La Mesa Watershed Reservation malapit sa La Mesa Dam. Tahanan ito ng mahigit 220 uri ng halaman at hayop at muling binuksan sa publiko noong Hunyo 2024 matapos ang pansamantalang pagsasara dahil sa pagbabago ng pamunuan. RNT/MDS

The post Bagong entrance fee sa La Mesa Ecopark para sa non-QCitizens, inanunsyo first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/bagong-entrance-fee-sa-la-mesa-ecopark-para-sa-non-qcitizens-inanunsyo/feed/ 0
Manila Zoo, target gawing world-class attraction; Mayor Isko hinikayat publiko na bumisita https://remate.ph/manila-zoo-target-gawing-world-class-attraction-mayor-isko-hinikayat-publiko-na-bumisita/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=manila-zoo-target-gawing-world-class-attraction-mayor-isko-hinikayat-publiko-na-bumisita https://remate.ph/manila-zoo-target-gawing-world-class-attraction-mayor-isko-hinikayat-publiko-na-bumisita/#respond Sun, 26 Jul 2026 07:07:10 +0000 https://remate.ph/?p=741010 MANILA, Philippines – Target ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na gawing isang world-class tourist attraction ang Manila Zoo kasabay ng pagdiriwang ng ika-67 anibersaryo nito nitong Sabado. Sa pagdiriwang na dinaluhan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza, sinabi ng alkalde na puspusan ang pagsisikap ng lungsod upang maibalik ang sigla […]

The post Manila Zoo, target gawing world-class attraction; Mayor Isko hinikayat publiko na bumisita first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Target ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila na gawing isang world-class tourist attraction ang Manila Zoo kasabay ng pagdiriwang ng ika-67 anibersaryo nito nitong Sabado.

Sa pagdiriwang na dinaluhan nina Manila Mayor Isko Moreno Domagoso at Vice Mayor Chi Atienza, sinabi ng alkalde na puspusan ang pagsisikap ng lungsod upang maibalik ang sigla at maitaas ang antas ng Manila Zoo, ang kauna-unahang zoological park sa Pilipinas na binuksan noong Hulyo 25, 1959 sa ilalim ng administrasyon ni dating Manila Mayor Arsenio Lacson.

Ayon kay Yorme Isko, bahagi ng modernisasyon ng zoo ang layuning makasabay ito sa mga kilalang zoological park sa iba pang bansa sa Asya habang tinitiyak ang maayos na pangangalaga sa mga hayop at pasilidad.

Kasabay nito, nanawagan si Domagoso sa publiko na pangalagaan ang Manila Zoo upang patuloy itong mapakinabangan ng mga susunod na henerasyon.

Inanyayahan din niya ang mga pamilya na bumisita at maranasan ang mga naging atraksiyon sa zoo, kabilang ang mga batang hayop na sina Atlas at Apollo, gayundin ang muling binuksang boating activity na nagbibigay ng karagdagang libangan at pagkakataon para sa mga bata na higit na mapalapit sa kalikasan.

Binigyang-diin pa ng alkalde na patuloy na binabantayan ng mga beterinaryo at animal specialists ang kalusugan at kapakanan ng lahat ng hayop sa Manila Zoo.

Samantala, dinagsa rin ng mga bisita ang boating activity sa loob ng zoo na nagkakahalaga ng P120 para sa apat na katao sa loob ng 20 minuto. Sinubukan din nina Mayor Isko at Vice Mayor Atienza ang naturang atraksyon bilang bahagi ng pagdiriwang ng anibersaryo. JAY REYES

The post Manila Zoo, target gawing world-class attraction; Mayor Isko hinikayat publiko na bumisita first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/manila-zoo-target-gawing-world-class-attraction-mayor-isko-hinikayat-publiko-na-bumisita/feed/ 0
International Pet Summit 2026, magbabalik sa Hulyo 24–26 https://remate.ph/international-pet-summit-2026-magbabalik-sa-hulyo-24-26/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=international-pet-summit-2026-magbabalik-sa-hulyo-24-26 https://remate.ph/international-pet-summit-2026-magbabalik-sa-hulyo-24-26/#respond Fri, 17 Jul 2026 06:30:32 +0000 https://remate.ph/?p=739012 MANILA, Philippines – Magbabalik ang International Pet Summit (IPS) Philippines 2026 sa Hulyo 24 hanggang 26 sa SMX Convention Center Manila, matapos ang matagumpay na edisyon nito noong 2025. Pinangungunahan ng PVDA Foundation, Inc. at Philippine Veterinary Drug and Nutrition Association (PVDNA) ang tatlong araw na pagtitipon na naglalayong isulong ang responsableng pag-aalaga ng alagang […]

The post International Pet Summit 2026, magbabalik sa Hulyo 24–26 first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Magbabalik ang International Pet Summit (IPS) Philippines 2026 sa Hulyo 24 hanggang 26 sa SMX Convention Center Manila, matapos ang matagumpay na edisyon nito noong 2025.

Pinangungunahan ng PVDA Foundation, Inc. at Philippine Veterinary Drug and Nutrition Association (PVDNA) ang tatlong araw na pagtitipon na naglalayong isulong ang responsableng pag-aalaga ng alagang hayop.

Noong 2025, mahigit 27,000 katao ang dumalo sa IPS, na kinilala bilang isa sa pinakamalalaking pet events sa Pilipinas at Asya.

Kabilang sa mga tampok sa IPS 2026 ang libreng konsultasyon, bakuna at diagnostic services para sa mga alagang hayop, mga seminar tungkol sa tamang pag-aalaga at nutrisyon ng mga alaga, mga talakayan ng pet behavior experts, animal welfare advocacy activities, giveaways, raffle, pet fashion show, at iba pang interactive na aktibidad para sa mga pet owners at kanilang mga alaga.

Bukas ang summit sa publiko at inaasahang dadaluhan ng mas maraming exhibitors, veterinary professionals, animal welfare groups, at pet lovers ngayong taon.

Ayon kay Dr. Corazon Occidental, pangulo ng PVDA Foundation, Inc., layunin ng International Pet Summit na palakasin ang responsableng pet ownership, animal welfare, at pakikipagtulungan ng mga pet owners, beterinaryo, at iba pang organisasyon para sa kapakanan ng mga alagang hayop. RNT/MDS

The post International Pet Summit 2026, magbabalik sa Hulyo 24–26 first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/international-pet-summit-2026-magbabalik-sa-hulyo-24-26/feed/ 0
Burnham Lake posibleng magbukas muli sa Agosto https://remate.ph/burnham-lake-posibleng-magbukas-muli-sa-agosto/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=burnham-lake-posibleng-magbukas-muli-sa-agosto https://remate.ph/burnham-lake-posibleng-magbukas-muli-sa-agosto/#respond Wed, 08 Jul 2026 03:12:06 +0000 https://remate.ph/?p=736682 BAGUIO CITY, Philippines – Posibleng muling buksan ang Burnham Lake sa Agosto matapos umabot sa 90% ang rehabilitasyon nito, ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong. Kasabay ng pagbubukas ay ang paggamit ng mga bagong bangka na pasado sa mas mahigpit na safety standards. Ayon kay Magalong, hindi papayagan ang simpleng pininturahang lumang bangka. Kailangan […]

The post Burnham Lake posibleng magbukas muli sa Agosto first appeared on Remate Online.

]]>
BAGUIO CITY, Philippines – Posibleng muling buksan ang Burnham Lake sa Agosto matapos umabot sa 90% ang rehabilitasyon nito, ayon kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong.

Kasabay ng pagbubukas ay ang paggamit ng mga bagong bangka na pasado sa mas mahigpit na safety standards. Ayon kay Magalong, hindi papayagan ang simpleng pininturahang lumang bangka. Kailangan ang mas ligtas, mas moderno, at bagong disenyo ng mga ito.

Binalaan din niya ang mga operator na maaaring mawala ang kanilang permit kung hindi sila susunod sa mga itinakdang pamantayan sa kaligtasan.

Sarado ang Burnham Lake mula pa noong Oktubre 2025 para sa pagkukumpuni. Naantala ang proyekto dahil sa fuel crisis na nagpataas ng presyo ng construction materials at sa matagal na pag-ulan.

Naglaan ang Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ng ₱500 milyon para sa rehabilitasyon ng Burnham Park, kabilang ang Burnham Lake at athletic bowl. Kasunod na aayusin ang Children’s Park, Rose Garden, skating rink, at iba pang bahagi ng parke. RNT/MDS

The post Burnham Lake posibleng magbukas muli sa Agosto first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/burnham-lake-posibleng-magbukas-muli-sa-agosto/feed/ 0
DOT, naglunsad ng discounted travel deals para sa lokal na turismo https://remate.ph/dot-naglunsad-ng-discounted-travel-deals-para-sa-lokal-na-turismo/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dot-naglunsad-ng-discounted-travel-deals-para-sa-lokal-na-turismo https://remate.ph/dot-naglunsad-ng-discounted-travel-deals-para-sa-lokal-na-turismo/#respond Sun, 28 Jun 2026 01:10:35 +0000 https://remate.ph/?p=734408 MANILA, Philippines – Naglunsad ang Department of Tourism (DOT) ng kampanyang “Discover More to Love” na nag-aalok ng mahigit 3,000 discounted travel deals upang hikayatin ang mas maraming Pilipino na bumiyahe sa loob ng bansa mula Hulyo hanggang Nobyembre. Kabilang sa mga alok ang discounted hotel stays, travel packages, at promotional airfares mula sa mga […]

The post DOT, naglunsad ng discounted travel deals para sa lokal na turismo first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Naglunsad ang Department of Tourism (DOT) ng kampanyang “Discover More to Love” na nag-aalok ng mahigit 3,000 discounted travel deals upang hikayatin ang mas maraming Pilipino na bumiyahe sa loob ng bansa mula Hulyo hanggang Nobyembre.

Kabilang sa mga alok ang discounted hotel stays, travel packages, at promotional airfares mula sa mga partner tourism establishments.

Ayon kay Tourism Secretary na si Dita Angara-Mathay, inilunsad ang programa bilang tugon sa panawagan ng pribadong sektor na palakasin ang suporta ng pamahalaan sa domestic tourism, lalo na sa lean season ng industriya.

“True to its mandate, the DOT will promote destinations, provide tourism information, and connect travelers with accredited tourism enterprises. We will not be involved in booking trips or selling travel packages. That is the role of the private sector,” ani Angara-Mathay.

Suportado ang kampanya ng mahigit 70 hotel at resort, tour operators, online travel platforms, at partner airlines, kabilang ang Philippine Airlines, Cebu Pacific, AirAsia Philippines, at Sunlight Air.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, umabot sa ₱3.26 trilyon ang ginastos ng mga domestic tourist noong 2025, habang 7.7 milyong Pilipino o 15.7% ng kabuuang workforce ng bansa ang nagtatrabaho sa sektor ng turismo.

Inilunsad ang kampanya sa Central Philippines Tourism Expo 2026 sa Santa Rosa.

Sinabi rin ni Angara-Mathay na pinaiigting ng DOT ang mga hakbang upang maibalik ang bilang ng mga turistang mula sa South Korea, na matagal nang pangunahing pinagmumulan ng mga dayuhang bumibisita sa Pilipinas, sa gitna ng mas murang travel packages na iniaalok ng ibang bansa sa Southeast Asia. RNT/MDS

The post DOT, naglunsad ng discounted travel deals para sa lokal na turismo first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/dot-naglunsad-ng-discounted-travel-deals-para-sa-lokal-na-turismo/feed/ 0
DOST maglulunsad ng mga bagong multimedia programs https://remate.ph/dost-maglulunsad-ng-mga-bagong-multimedia-programs/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=dost-maglulunsad-ng-mga-bagong-multimedia-programs https://remate.ph/dost-maglulunsad-ng-mga-bagong-multimedia-programs/#respond Sat, 23 May 2026 02:28:13 +0000 https://remate.ph/?p=726317 MANILA, Philippines – Palalakasin ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagpapalaganap ng science, technology, and innovation (STI) sa publiko sa pamamagitan ng mga bagong multimedia programs. Simula Hunyo 13, ipapalabas tuwing Sabado alas-9 ng umaga sa GTV at DZBB ang programang “NegoSiyensya,” na magtatampok ng mga teknolohiya at proyekto ng DOST para makatulong […]

The post DOST maglulunsad ng mga bagong multimedia programs first appeared on Remate Online.

]]>
MANILA, Philippines – Palalakasin ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagpapalaganap ng science, technology, and innovation (STI) sa publiko sa pamamagitan ng mga bagong multimedia programs.

Simula Hunyo 13, ipapalabas tuwing Sabado alas-9 ng umaga sa GTV at DZBB ang programang “NegoSiyensya,” na magtatampok ng mga teknolohiya at proyekto ng DOST para makatulong sa kabuhayan, negosyo, at ekonomiya.

Ayon sa DOST, tampok dito kung paano nakatutulong ang agham at teknolohiya sa mga MSMEs, magsasaka, mangingisda, LGUs, at iba’t ibang komunidad.

Samantala, magsisimula naman sa Hunyo 11 ang “Sci.Say,” na mapapanood tuwing Huwebes alas-6 ng gabi sa Spotify, YouTube, at website ng DOSTvPH.

Layunin ng programa na gawing mas madali, masaya, at mas relatable ang usapang agham lalo na para sa kabataan at digital audiences.

Magkakaroon din ng mga panayam at talakayan kasama ang mga scientist, researcher, at eksperto.

Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr., bahagi ito ng pagdiriwang ng “10 years of bringing science closer to every Filipino through stories of innovation, discovery and opportunity.” RNT/MND

The post DOST maglulunsad ng mga bagong multimedia programs first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/dost-maglulunsad-ng-mga-bagong-multimedia-programs/feed/ 0
Bohol isinusulong maging international gateway sa visa-free entry scheme ng Chinese tourists https://remate.ph/bohol-isinusulong-maging-international-gateway-sa-visa-free-entry-scheme-ng-chinese-tourists/?utm_source=rss&utm_medium=rss&utm_campaign=bohol-isinusulong-maging-international-gateway-sa-visa-free-entry-scheme-ng-chinese-tourists https://remate.ph/bohol-isinusulong-maging-international-gateway-sa-visa-free-entry-scheme-ng-chinese-tourists/#respond Mon, 18 May 2026 03:56:59 +0000 https://remate.ph/?p=725107 BOHOL, Philippines – Isinusulong ni Bohol Governor Erico Aristotle Aumentado na isama ang Bohol bilang international gateway sa ilalim ng 14-day visa-free entry arrangement ng pamahalaan para sa mga Chinese tourists at business travelers. Ayon kay Aumentado, pormal nang humiling ang provincial government ng tulong mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of […]

The post Bohol isinusulong maging international gateway sa visa-free entry scheme ng Chinese tourists first appeared on Remate Online.

]]>
BOHOL, Philippines – Isinusulong ni Bohol Governor Erico Aristotle Aumentado na isama ang Bohol bilang international gateway sa ilalim ng 14-day visa-free entry arrangement ng pamahalaan para sa mga Chinese tourists at business travelers.

Ayon kay Aumentado, pormal nang humiling ang provincial government ng tulong mula sa Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Tourism (DOT) para payagan ang “Visa Upon Arrival” scheme sa Bohol upang mas mapadali ang pagpasok ng mga dayuhang turista, lalo na mula China.

“We requested Department of Tourism Secretary Bernardita Angara-Mathay to allow a Visa Upon Arrival scheme in Bohol to make it easier for tourists to visit us,” ani Aumentado.

Layunin ng panukala na mapabilis ang proseso ng pagbisita sa lalawigan at makahikayat ng mas maraming international tourists, habang isinusulong din ang dagdag na direktang international flights sa Bohol–Panglao International Airport.

Nakipagpulong na rin ang gobernador sa DOT at Aboitiz InfraCapital upang talakayin ang pagpapalawak ng chartered flights at pagpapabuti ng sistema ng tourist arrivals.

Ayon sa provincial government, ang hakbang ay bahagi ng tourism development roadmap ng Bohol bilang UNESCO Global Geoparks site at inaasahang magpapalakas ng turismo, trabaho, at pamumuhunan sa lalawigan.

Giit pa ni Aumentado, umaasa siyang maideklara ang Bohol–Panglao International Airport bilang opisyal na gateway sa visa-free entry program na kasalukuyang ipinatutupad sa Cebu at Manila para sa mga turistang Chinese.

Sinabi rin ng lalawigan na mula 2022 hanggang 2025, umabot sa 146,000 Chinese tourists ang bumisita sa Bohol, na ikalawang pinakamalaking tourist market ng probinsya. RNT/MND

The post Bohol isinusulong maging international gateway sa visa-free entry scheme ng Chinese tourists first appeared on Remate Online.

]]>
https://remate.ph/bohol-isinusulong-maging-international-gateway-sa-visa-free-entry-scheme-ng-chinese-tourists/feed/ 0