Home HOME BANNER STORY DOST maglulunsad ng mga bagong multimedia programs

DOST maglulunsad ng mga bagong multimedia programs

83
0

MANILA, Philippines – Palalakasin ng Department of Science and Technology (DOST) ang pagpapalaganap ng science, technology, and innovation (STI) sa publiko sa pamamagitan ng mga bagong multimedia programs.

Simula Hunyo 13, ipapalabas tuwing Sabado alas-9 ng umaga sa GTV at DZBB ang programang “NegoSiyensya,” na magtatampok ng mga teknolohiya at proyekto ng DOST para makatulong sa kabuhayan, negosyo, at ekonomiya.

Ayon sa DOST, tampok dito kung paano nakatutulong ang agham at teknolohiya sa mga MSMEs, magsasaka, mangingisda, LGUs, at iba’t ibang komunidad.

Samantala, magsisimula naman sa Hunyo 11 ang “Sci.Say,” na mapapanood tuwing Huwebes alas-6 ng gabi sa Spotify, YouTube, at website ng DOSTvPH.

Layunin ng programa na gawing mas madali, masaya, at mas relatable ang usapang agham lalo na para sa kabataan at digital audiences.

Magkakaroon din ng mga panayam at talakayan kasama ang mga scientist, researcher, at eksperto.

Ayon kay DOST Secretary Renato Solidum Jr., bahagi ito ng pagdiriwang ng “10 years of bringing science closer to every Filipino through stories of innovation, discovery and opportunity.” RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here