Home NATIONWIDE “Secret meetings” sa kaso ng missing sabungeros, iimbestigahan ng PNP

“Secret meetings” sa kaso ng missing sabungeros, iimbestigahan ng PNP

45
0

MANILA, Philippines – Iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr. ang masusing imbestigasyon sa umano’y “secret meetings” na kinasasangkutan ng mga kaanak ng nawawalang sabungeros at ilang na-relieve na pulis na sangkot sa kontrobersyal na kaso ng pagkawala ng mga e-sabong enthusiasts.

Ayon kay Nartatez, aalamin nila kung may iba pang pulis na tumulong sa pag-aayos ng naturang mga pagpupulong na lumabas matapos masuspinde ang dalawang pulis dahil sa reklamo sa National Police Commission (Napolcom).

“Any action outside of what the PNP should do is not only a betrayal of our mandate but also of the trust and confidence of the people we serve. Let us always allow our moral compass to lead the way towards the integrity and professionalism of our organization,” aniya.

Dagdag niya, bagama’t maaaring may mga pagpupulong sa pagitan ng mga panig, ang pakikialam ng pulisya sa kasong nasa hukuman ay seryosong usapin.

Matatandaang ilang dosenang sabungero ang nawawala mula 2021 hanggang 2022 matapos maiugnay sa umano’y e-sabong operations, na nagbunsod ng mga imbestigasyon sa Senado at sa pulisya.

Kamakailan, dalawang pulis ang inireklamo sa Napolcom dahil sa umano’y pag-aayos ng lihim na pagpupulong sa pagitan ng mga kaanak ng biktima at 13 detenidong pulis.

Kasama sa mga inirereklamo sina Lt. Nadame Malang ng Highway Patrol Group at Maj. Reynaldo Pañebe Jr. ng PNP Custodial Center, na inakusahang nakialam sa imbestigasyon sa pamamagitan ng pag-facilitate ng “amicable settlement” umano sa tulong ng abogado ni gambling tycoon Atong Ang.

Sinabi ng PNP na tatakbo nang sabay ang internal investigation at imbestigasyon ng Napolcom, at iginiit na walang palakasan at mananagot ang sinumang mapatutunayang lumabag sa batas. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here