MANILA, Philippines – Bilang preparasyon sa panahon na pagdating ng tag-ulan ay lumagda ang lokal na pamahalaan ng Pasay ng Memorandum of Agreement (MOA) sa Department of Environment and Natural Resources Environmental Management Bureau – National Capital Region (DENR-EMB-NCR) at SM Smart City Infrastructure and Development Corporation (SM Smart City) para sa pagsasaayos ng Libertad Channel na isa sa mahalagang waterways sa lugnsod na nakakonekta sa Manila Bay sa ilalim ng Adopt-an Estero/Waterbody Program
Layunin ng limang-taong kasunduan ang pagpapanatili ng kalusugang ekologikal ng Libertad Channel gayundin ang pagbabawas ng naiipong basura dito na malaki ang maitutulong sa pagpigil ng baha na makakaapekto sa mga katabing komunidad sa pagbuhos ng malakas ng ulan at bagyo.
Sinabi ni City Mayor Emi Calixto-Rubiano na ang naturang inisyatibo ay bahagi ng pagpapalawak ng Pasay Eco City program, isang flagship coastal development vision ng lokal na pamahalaan sa pakikipag-ugnayan sa SM Smart City at ng Pasay Harbor City Corporation (PHCC).
Bilang isang kritikal na daluyan ng tubig patungong Manila Bay developments, ang Libertad Channel ay napakaimportante ng waterways na ito sa environmental sustainability at climate resilience efforts sa lungsod.
“This commitment to adopt a one-kilometer stretch of the Libertad Channel under the Adopt-an-Estero/Waterbody Program reflects the kind of partnership that creates lasting and visible impact in our communities. In this area of our very own Eco City, we will bring Pasay to new heights without compromising care for the earth,” ani Calixto-Rubiano.
Sa ilalim ng naturang kasunduan, ang mga nabanggit na Partido ay regular na magsasagawa ng aktibidad ng paglilinis, pagmomonitor ng kalidad ng tubig, inisyatibong pangkomunidad, at pangmatagalang hakbagn ng rehabilitasyon sa nabanggit na waterways channel.
Dagdag pa ni Calixto-Rubiano na ang naturang inisyatibo ng lokal na pamahalaan ay nagpapatibay ng pangmalawakang komitment sa pagtataguyod bilang climate-resilient ng lungsod. (James I. Catapusan)