Home ENTERTAINMENT Catriona at Pia, inupakan ang yabang ng konteserong halfsies!

Catriona at Pia, inupakan ang yabang ng konteserong halfsies!

2
0

Manila, Philippines – Hanggang ngayon, usap-usapan pa rin sa pageant world ang naging komento ng dalawang male pageant winners na parehong halfsies.

Naurirat kasi ang titleholders na sina Brandon Espiritu at Jether Palomo kung bakit hindi sila umawit ng Tagalog sa isang pageant-related video.

Ani Espiritu: “Because we aren’t from the Philippines. Why would we lie?”

Hindi rin naging maganda sa tenga ng mga Pinoy ang kanyang pangagatuwiran tungkol sa pagkatawan niya sa nasabing pageant lalo na ang pagyayabang niya na malabong manalo ang bansa kung wala silang halfsies o FilAms o anumang mixed raced o foreign born Pinoys.

“This country wouldn’t have a chance on the national stage without us halfsies.”

Umani ng batikos si Espiritu sa kanyang naging statement.

Katunayan, nagkaroon ng online boycott campaign sa kanya dahil sa public outrage.

Marami rin ang nag-unfollow sa kanya sa IG at naapektuhan pati ang raket niya sa brands.

Pati ang co-investors niya sa negosyo ay balitang nag-pull out na rin dahil sa backlash.

Sa kasagsagan naman ng ingay na ito ay nagsalita ang 2018 Ms. Universe Catriona Gray para banatan ang kayabangan ng nasabing konteserong halfsies sa kanyang IG channel.

“Ang daming iba’t ibang klaseng Pinoy–mula sa iba’t ibang probinsya, halfsies, hanggang 2nd, 3rd, or 4th generation Filipinos–who are making an incredible impact in their industries and positively contributing to our nation,” aniya.

“Sila ang mas deserving ng platform kaysa sa iba diyan. Let’s give a platform (pageantry or otherwise) to people who are truly deserving,” dugtong niya.

Pagbibigay-diin pa niya, ang pagmamahal daw ng isang kinatawan sa isang pageant sa kanyang bayan ay hindi lamang nasusukat sa lip service kundi sa kilos, karakter at mga bagay na pinahahalagahan nito.

“To those whose love for country extends beyond a momentary spotlight; those whose pagmamahal sa bayan is more than just lip service, but is reflected in their consistent actions, character, and values.”

Samantala , nagbigay din ng kanyang pahayag si Pia Wurtzbach-Jauncey hinggil sa kanyang stand sa issue.

Post niya sa kanyang FB page: “Happy Philippine Independence Day.

“I have always believed that identity isn’t measured by where you were born, how you look, or how others see you. It’s shaped by the values you carry, the roots you honor, the love you have for where you come from, and the pride you feel whenever you see our flag represented anywhere in the world.

“There is no single way to be Filipino. We each carry that connection in our own way…through our experiences, our families, and the values that bring us home.

“Today, I’m celebrating that connection and everything it means to me. I hope you are too.

Proud to be Filipino. Always.”

Ito naman ang reaksyon ng kibitzers sa pahayag ng beauty queen.

“Very well said.”

“Sumawsaw sa isyu ng halfies.”

“May karapatan naman silang sumawsaw sa isyu. After all, kahit halfies sila, they remain humble and grounded.”

“Tama iyan, Queens. Banatan mo ang mayayabang na halfies.”

“Sapul si Brandon.” Archie Liao

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here