Home SPORTS Cayanong hari ng 5-Stag Invitational Derby sa Pasay City

Cayanong hari ng 5-Stag Invitational Derby sa Pasay City

270
0

MANILA, Philippines – Pinalakpakan sa sabungan ang pa champion na manok ni Ka Rex Cayanong sa 5-STAG INVITATIONAL DERBY na binitawan sa ruweda ng Pasay City Cockpit noong Huwebes.

Showtime ang ipinakitang shapol ng signature line na Sweater ni Cayanong sa last fight ng ratratin nito ang pambato ng entring DARANAK na pag-aari ni Doc Richard Fulgencio kung saan ay wala pang isang minutong kinalos.

Umiskor ng perfect five points si Cayanong na gamit ang entry name na KA REX 1.5M No Pot 6-STAG B-DAY Derby Nov. 5 sa Pasay, kasama sa tinalo ay ang EJB – Arlie Balaw & Bakeke na pag-aari ni Engr. Ding Benosa, MK Red Feder Concierto sa Kaybiga October 30 5-Stag/Don Yagit 1, Mercedes October 12 5- stag Derby sa Nica ni Pete Policarpio at fourth fight ang NAZ 1824- GF March 27 5-Cock sa Kaybiga (A. S NAZ).

Sulit ang mga sabungero at mamamago na tumungo ng Pasay Cockpit Arena para makisaya at maglibang dahil umabot sa 128 ang sultada.

Nakatulong ni Cayanong sa paghahanda ng kanilang panlaban sina handlers Larry Bau at Carlo Dizon habang si JOSE ( DOK) Dela Cruz ang gaffer.

Pang limang kampeonato ni Cayanong ngayong 2024 kaya naman markado ang kanyang mga warriors sa mga sinasalihang derby.

Unang kampeon ni veteran broadcast journalist, Cayanong ay ang Angono 3-Stag, sunod ang San Roque 4-Stag. Antipolo 6-Stag at pang-apat ay ang Mataas na Kahoy 5-Stag

Samantala, ilang tulog na lang at bibitawan na ang pinakahihintay na “Ka Rex B-Day 1.5M 6-Stag National Invitational Derby na gaganapin sa Pasay Cockpit Arena sa Nobyembre 5.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here