Home IN PHOTOS CCTV ng traffic incident na kinasangkutan ng anak ni James Deakin ipinakita...

CCTV ng traffic incident na kinasangkutan ng anak ni James Deakin ipinakita ng LTO

294
0

MANILA, Philippines – IPINAKITA ni Land Transportation Office Chief Assistant Secretary Markus V. Lacanilao ang CCTV footage ng traffic incident na kinasasangkutan ng anak ng transport Vlogger na si James Deakin matapos ang isinagawang briefing sa LTO Central Office sa Quezon City.

Sinabi ni Lacanilao na nilabag ng anak ni Deakin ang mga batas trapiko para sa reckless driving matapos tumawid ang kanyang sasakyan sa isang double solid line sa Skyway, na nagdulot ng pagkagambala sa trapiko, at binanggit na ang kotse ay kulang sa tamang pagpaparehistro at dala lamang ay dokumentong inisyu ng dealer. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here