Home NATIONWIDE Ceasefire plan ng UNSC sa Gaza suportado ng Pinas

Ceasefire plan ng UNSC sa Gaza suportado ng Pinas

Palestinians run along a street as humanitarian aid is airdropped in Gaza City on March 1, 2024, amid the ongoing conflict between Israel and the Hamas militant group. - For months, aid workers have warned of an increasingly desperate situation for Gazan civilians, and on February 26 an official from the UN humanitarian office OCHA said widespread starvation was "almost inevitable". (Photo by AFP)

MANILA, Philippines – PINURI ng Pilipinas ang resolusyon ng United Nations Security Council na sumusuporta sa three-phase ceasefire plan sa Gaza strip.

Sa isang kalatas, sinabi ng Department of Foreign Affairs na muling pinagtibay ng UN Resolution S/RES/2735 ang commitment ng UN sa kapayapaan at katatagan at ang bansa ay committed na magbigay ng kinakailangang pagsisikap para tumulong na makamit ang isang “peaceful resolution” sa Gaza.

“The prompt implementation of the measures is imperative to alleviate the suffering of innocent civilians caught in the crossfire… The country stands ready to contribute to initiatives that foster stability, security, and peace in the region,” ang nakasaad sa kalatas.

Ang UN S/RES/2735, in-adopt noong Hunyo 10, hinikayat ang ganap na pagpapatupad ng isang three-phase ceasefire deal para wakasan ang giyera sa pagitan ng Hamas at Israel sa Gaza.

Kabilang sa kasunduan ay ang ligtas na pagpapalaya sa mga hostages at bilanggo, withdrawal ng forces, pagbabalik ng mga namatay na nananatiling nasa Gaza Strip, epektibong distribusyon ng humanitarian assistance, at multi-year reconstruction plan” para sa Gaza.

Ang resolusyon ay in-adopt matapos ang 14 boto na pabor sa loob ng UN Security Council, habang nag-abstain naman ang Russian Federation. Kris Jose