VATICAN – Malugod na tinanggap ni Pope Francis ang kasunduan sa ceasefire agreement na umabot sa Lebanon noong Nobyembre 27 sa kanyang tradiayunal na Sunday prayer sa St.Peter’s Square sa Vatican.
Ipinahayag di ni Pope Francis ang kanyang pagmamalasakit para sa iba pang mga lugar sa Mundo na may labanan,kabilang ang Gaza ,Syria at Ukraine.
Umaasa rin siya na lumitaw ang kapayapaan na maaring humanting sa isang tigil-putikan.
Ibinahagi ng Santo Papa ang labis niyang pag-aalala para sa pagpapalaya ng mga bihag ng Israel at muling nagpetisyon na magkaroon ng humanitarian aid sa mga populasyon ng Palestinian.
Nanawagan ang Papa ng pagsisikap na mabigyan ng tulong at pag-asa sa mga naninirahan sa mga bansang nasalanta ng digmaan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)