Home METRO Cebu bakwits inayudahan ni Alan, ERD Act isinusulong

Cebu bakwits inayudahan ni Alan, ERD Act isinusulong

218
0
(c) Cesar Morales

MANILA, Philippines – Agad na nagpaabot ng tulong si Senator Alan Peter Cayetano sa mga residente ng Borbon, Cebu matapos ang 6.9 magnitude na lindol na tumama sa hilagang bahagi ng lalawigan.

Nagpadala ang kanyang tanggapan ng mga folding tent at 20 kumot bilang tugon sa kahilingan ni dating Vice Mayor Roy Melgo.

(c) Cesar Morales

Ayon kay Cayetano, bahagi ito ng kanyang adbokasiyang palakasin ang kahandaan sa sakuna at mapabilis ang pagtugon sa mga kalamidad.

Muling isinulong ng senador ang Emergency Response Department (ERD) Act upang magtatag ng ahensyang tutok sa disaster preparedness, mabilis na pagtugon, rehabilitasyon, at pamamahala ng pambansang 911 hotline. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here