Home NATIONWIDE Cebu City nagdeklara na rin ng state of calamity

Cebu City nagdeklara na rin ng state of calamity

331
0

MANILA, Philippines – Pormal nang idineklara ng Cebu City Council ang state of calamity nitong Martes, Hulyo 22 bunsod ng matinding pagbaha na tumama sa lungsod noong nakaraang linggo.

Sa regular na sesyon ng konseho, inihain ni Councilor Dave Tumulak, chair ng Disaster Risk Reduction and Management Council (DRRMC), ang resolusyong naglalayong pormal na kilalanin ang lawak ng pinsala at pagkaantala sa lungsod.

Nauna nang inanunsyo ni Mayor Nestor Archival ang estado ng kalamidad kasabay ng rekomendasyon ng DRRMO, na ngayon ay may bisa na matapos ang pagpasa ng konseho.

Sa ilalim ng deklarasyong ito, maaari nang gamitin ng lungsod ang P61 milyong quick response fund para sa agarang aksyon.

Gayunman, ayon kay Tumulak, P15 milyon lamang ang unang ilalaan ng alkalde para sa desilting ng mga ilog at declogging ng mga daluyan ng tubig.

Kabilang sa mga prayoridad na lugar ang ilog sa Barangay Cogon Pardo, Estero de Parian, at isang waterway sa M.J. Cuenco Avenue.

Magpapatuloy naman ang ocular survey ng disaster office upang tukuyin pa ang iba pang lugar na nangangailangan ng dredging, lalo na’t may nakaambang panibagong weather disturbance.

Ang Department of Engineering and Public Works ng lungsod ang naatasang manguna sa mga hakbang na ito. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here