Home METRO Cebu student na nahulihan ng baril sa paaralan, ibinalik na sa pamilya

Cebu student na nahulihan ng baril sa paaralan, ibinalik na sa pamilya

1
0

CEBU, Philippines – Isang junior high school student sa Cebu na nahulihan ng baril sa loob ng kanyang bag habang nasa paaralan ay ibinalik na sa kanyang pamilya, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Una siyang dinala sa mga social worker para sa intervention sa ilalim ng Republic Act No. 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act. Ngunit ayon kay PNP public information chief Col. Allen Rae Co, ibinalik siya sa pamilya dahil kulang ang personnel at pasilidad para pangasiwaan ang kaso.

Ang baril ay natagpuan walang bala sa loob ng bag ng estudyante noong Martes, kasabay ng araw na naganap ang pamamaril sa Ateneo de Zamboanga University Junior High School.

Una umanong sinabi ng estudyante na pag-aari ng kanyang lolo ang baril, ngunit kalaunan ay binawi niya ang pahayag.

Ayon kay Co, sinabi ng estudyante na may kaibigan siyang umano’y binu-bully, kaya dinala nila ang baril upang takutin ang mga nangbu-bully sa kanya.

“Mayroon siyang isang kabarkada na binu-bully and gusto lang nilang takutin. That’s why nagdala sila ng weapon,” paliwanag ni Co.

Sinabi rin ni Co na mas matatanda umano ang mga nangbu-bully, kaya pakiramdam ng mga estudyante ay wala silang ibang paraan kundi magdala ng baril upang matakot ang mga ito.

“Mas matatanda yung mga nang-bully daw, so they had no other way daw kundi may dala sila para matakot naman sa kanila,” dagdag niya.

Patuloy namang tinututukan ng mga awtoridad ang insidente at ang kaligtasan ng mga estudyante sa mga paaralan. RNT/MDS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here