Home ENTERTAINMENT Charo, damay sa galit ng netizens kay Toni!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Charo, damay sa galit ng netizens kay Toni!December 5, 2024 13:091660 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Obyus na marami pa ring netizens have yet to move on sa galit o inis kay Toni Gonzaga.Up until now, feeling ng mga ito’y kaya naipasara ang ABS-CBN ay dahil sa TV host-turned-vlogger.Any Kapamilya talent nga na kinakapanayam ni Toni ay may panawagang i-cancel.Hindi rin nalalayo ang dating ABS-CBN President na si Charo Santos-Concio.Nabuhay na naman kasi ang ngitngit ng mga netizens sa ipinost nito sa kanyang Instagram Stories.“Catch up lunch with my inaanak,” saad ng post ni Charo.She met up kasi with her inaanak sa kasal, ang mag-asawang Paul Soriano at Toni.Umiral tuloy ang “himagsik” ng llang netizens.Si Charo ay isa sa mga ninang sa kasal ng Soriano couple.Kaya naman inaabangan kung ika-cancel din ba si Charo just because of that meet-up.In fairness, may ilang netizens na naka-move on.Anila, kung ang ibang mga bossing daw ng ABS-CBN ay hindi nagtatanim ng galit kay Toni, mga netizens pa?Banta ng mga haters ni Toni, malawakang pagboboykot daw ang kanilang kilos laban sa mga show at artista ng network.Naku, time to leave the past behind! Ronnie Carrasco IIi