Home ENTERTAINMENT Chavit, bet bilhin ang MU para isalba!

Chavit, bet bilhin ang MU para isalba!

261
0

Manila, Philippines – Interesado si dating llocos Sur Governor at businessman na si Luis “Chavit” Singson na bilhin ang kontrobersyal na Miss Universe pageant.

Tulad ng alam ng lahat, batbat ng kontrobersya ang recently concluded MU na ginanap sa Thailand.

Sa presscon at his Quezon City mansion, sinabi ni Chavit na sila ng anak na si Richelle ay nakatakdang makipagkita sa mga dating MU officials na sina Paula Shugart at Shawn McClain sa January 2026.

Ito’y para talakayin ang posibleng pagbili ni Chavit sa nasabing prestigious pageant.

Aware naman daw ito na hindi talaga up for sale ang MU.

Pero handa at willing siyang bilhin ito para isalba sa kinakaharap nitong kontrobersya.

Nagbalik-tanaw si Chavit noong inialok ang MU sa kanya after the successful 2016 edition.

Magugunitang naglagak si Chavit ng investment sa MU to the tune of roughly 700 million in Philippine currency pero nalugi siya.

Ani Chavit, handa daw siyang haraping muli ang financial losses kung makakatulong ito sa bansa.

This is in terms of tourism and foreign investment.

“Basta ba maganda ang kalalabasan para sa bansa, okey lang malugi ako,” tahasang sabi ni Chavit. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here