MANILA, Philippines – Naghain ng “stern representations” ang China sa Pilipinas bilang protesta nito sa pinakahuli umanong “negative moves” na may kaugnayan sa Taiwan, maging ang iba pang maritime at security issues.
Inihayag ni Department of Asian Affairs Director-General Liu Jinsong ang “stern representations” at “strong dissatisfaction” kay Philippine Ambassador to China Jaime FlorCruz nitong Biyernes, Hulyo 18.
Wala pang tugon ang Philippine Embassy sa Beijing kaugnay nito.
Hindi pa rin nagbibigay ng pahayag ang Department of Foreign Affairs patungkol dito. RNT/JGC