Home NATIONWIDE Chinese envoy kinondena sa Senado vs pananakot sa PH: ‘Di kami pasisiil’

Chinese envoy kinondena sa Senado vs pananakot sa PH: ‘Di kami pasisiil’

1
0

MANILA, Philippines – Matinding kinondena ng dalawang mambabatas sa Senado si Chinese ambassador to the Philippines Jing Quan sa pananakot sa Pilipinas na madaling sakupin ang bansa kapag nagustuhan ng Biejing.

Sa magkakahiwalay na pahayag, sinabi ni Senador Erwin Tulfo, chairman ng Senate committee on foreign relations,; at Senador Risa Hontiveros na hindi dapat ganito ang in uugali ng isang diplomatikong may sariling soberenya.

Kamakailan, nagpahayag si Ambassador Quan na kaya umanong “easily win ng China ang Pilipinas kung gagamit ng puwersa laban sa Pilipinas.

Ayon kay Tulfo, walang sinuman sa mundo ang maaaring mam-bully sa Pilipinas sa salita man o sa pwersa.

Giit niya, hindi negotiable ang soberenya ng Pilipinas, hindi ibinebenta ang dignidad, at hindi dapat ituring na kahinaan ang pagiging mahinahon ng bansa.

Binigyang-diin niya na bilang bansang nagmamahal sa kapayapaan at kumikilala sa demokrasya at international law, hindi uurong ang mga Pilipino sa harap ng banta.

Paalala niya, noon pa man ay lumaban na ang mga Pilipino sa mga mananakop gamit lamang ang simpleng armas pero may tapang, pawis at dugo — at nagtagumpay ang ating mga bayani laban sa dayuhan.

Aniya, gagawin ulit ito ng bansa kung muling banta ang soberanya. “Sa Pilipino ang Pilipinas, hindi kami pasisiil.”

Kasabay nito, tinawag naman ni Hontiveros na gray zone aggression sa anyong diplomatiko ang pahayag ng ambassador — pananakot at pamimilit na sadyang hindi pa umaabot sa digmaan pero malinaw ang intensyong takutin ang Pilipinas.

Mariin niyang kinondena ang mga banta at sinabing walang pananakot ang makapagpapasuko sa Pilipinas sa kung ano ang nararapat na pag-aari nito.

Giit ni Hontiveros, ang ginagawa lamang ng Pilipinas ay ang ginagawa ng sinumang bansang sumusunod sa batas — ang ipagtanggol ang karapatan sa legal at diplomatikong paraan.

Ayon pa kay Hontiveros, lumagpas na sa linya ang isang ambassador na nagbabanta sa mismong host country. Hindi aniya sapat ang pagpapatawag lamang dito.

Dapat humingi ang gobyerno ng pormal na pagbawi at paghingi ng tawad mula sa Beijing, at kung walang dumating, dapat ideklarang persona non grata ang ambassador.

Nanawagan din si Hontiveros na dalhin ng Pilipinas ang isyu sa ASEAN at sa United Nations General Assembly, dahil kapag ang isang bansa ay binantaan, lahat ng bansang naniniwala sa international law ay binantaan din.

Dapat anyang papanagutin ang China sa mga salitang ito, gaya ng pagpapanagot dito sa mga aksyon nito sa karagatan ng Pilipinas.  Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here