Home METRO Chinese national na may pekeng pasaporte, ID naharang ng BI

Chinese national na may pekeng pasaporte, ID naharang ng BI

MANILA, Philippines – Naharang ng Bureau of Immigration (BI) ang isang lalaking Chinese makaraang magpakita ng pekeng Mauritian passport at identification card pagdating sa Manila noong Mayo 17.

Tinangkang lumusot ng 32-anyos na dayuhan sa immigration counter ng Ninoy Aquino International Airport Terminal 1 makaraang dumating mula Bangkok, Thailand.

Sa kabila nito, napansin ng immigration officers ang mga nauna nang biyahe ng Chinese national sa Pilipinas na gumamit ng Chinese passport.

Ayon sa dayuhan, nakuha niya ang mga pekeng dokumento habang siya ay nasa Bangkok.

“He revealed during interrogation that he acquired the fraudulent document after allegedly investing US$200,000, but admits to having never traveled to Mauritius for the processing,” sinabi ng BI.

“He instead received the passport and identity card while he was in Thailand.”

“A verification done by BI’s forensic documents laboratory revealed that the documents presented were indeed counterfeit,” pagpapatuloy ng ahensya.

Ipinadeport na ang lalaking Chinese at isinama sa blacklist ng BI. RNT/JGC