Home NATIONWIDE Chinese national na nanuntok ng court sheriff kalaboso

Chinese national na nanuntok ng court sheriff kalaboso

2
0

MANILA, Philippines – Arestado ng pulisya ang isang 28-anyos na Chinese national matapos nitong suntukin ang isang court sheriff sa loob ng isang bar sa Malate, Maynila, madaling araw ng Biyernes, Hunyo 5.

Ayon sa paunang imbestigasyon, nagdiriwang ng kaarawan ang 57-anyos na court sheriff kasama ang mga kaibigan sa loob ng establisyimento sa kahabaan ng M.H. Del Pilar Street, kanto ng Salas Street, bandang alas-3 ng umaga.

Habang papunta sa restroom, nakasalubong niya umano ang Chinese national at ang kasama nitong kapwa Chinese na lalaki sa isang pasilyo.

Ayon sa pulisya, naharangan ang daanan kaya sinuntok ng suspek ang biktima sa noo nang walang malinaw na dahilan.

Agad na tumakas ang suspek at ang kasama nito mula sa establisimento, kaya hinabol sila ng biktima at mga kasama nito at humingi ng tulong sa mga rumespondeng pulis.

Nauwi ang habulan hanggang sa maaresto ang suspek, na hindi nakapagpakita ng pasaporte o anumang ID nang siya ay maaresto.

Ayon sa mga awtoridad, nairefer na ang kaso sa General Assignment and Investigation Section ng Manila Police District para sa karagdagang imbestigasyon, lalo na’t isa sa mga sangkot ay dayuhan.

Maaaring maharap ang suspek sa kasong physical injuries.

Iniimbestigahan din ng pulisya ang naging partisipasyon o papel ng hindi pa nakikilalang kasama ng suspek. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here