MANILA, Philippines – Ayon sa Western Naval Command (WESNAVCOM) ng Philippine Navy nitong Biyernes na matagumpay nitong narekober ang pinaniniwalaan nitong mga debri ng isang rocket na inilunsad ng People’s Republic of China.
Sa isang pahayag, sinabi ng WESNAVCOM na narekober nito ang malaking piraso ng pinaghihinalaang rocket debris noong Martes, Nob. 11, sa karagatan ng Pilipinas sa hilagang-kanluran ng Tubbataha Reef.
Ang mga labi ay pinaniniwalaang mula sa isang Long March 12 rocket na inilunsad ng China.
Nagsimula ang pagrekober nang ang isang Philippine Navy surveillance aircraft, NV314, ay nag-ulat na nakakita ng isang malaki at hindi kilalang lumulutang na bagay sa humigit-kumulang 60 nautical miles hilagang-kanluran ng protektadong Tubbataha Reef.
Pagkatapos ay tumuloy ang BRP Andres Bonifacio sa lugar at kinumpirma ang pagkakaroon ng hinihinalang space debris, humigit-kumulang 49 nautical miles hilagang-kanluran ng Tubbataha Reef.
Ang mga na-recover na debris ay may sukat na humigit-kumulang 12 feet by 21 feet. Pagkatapos ay dinala ito at inilipat sa punong-tanggapan ng WESNVCOM.
Nauna nang natagpuan ng Philippine Coast Guard ang mga rocket debris na may “Chinese markings” sa baybayin ng Burgos, Ilocos Norte noong nakaraang linggo. RNT/MND