Home NATIONWIDE Chinese trader dinukot sa Cabanatuan

Chinese trader dinukot sa Cabanatuan

MANILA, Philippines – Dinukot ng hindi pa tukoy na mga armadong kalalakihan ang isang 41-anyos na Chinese businessman sa Barangay Magsaysay Norte, Cabanatuan City.

Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya nitong Miyerkules, ang biktima ay kinilalang si Bingkun Kang, na pwersahang isinakay sa puting commuter van ng mga sangkot bandang alas-6 ng umaga.

Ang biktima ay nagpapatakbo ng onion storage facility sa Talavera.

Sinabi ng mga imbestigador na ang mga dumugot ay tumakbo patungo sa Barangay Mabini.

Humingi na ng tulong ang pulisya sa Anti-Kidnapping Group ng PNP kasabay ng patuloy na pagtunton ng mga pulis sa mga dumukot. RNT/JGC