Manila, Philippines – Sa mga blind item–na tukoy na tukoy naman at hindi na kailangang hulaan pa–idinaan ang tungkol sa magkapatid na may alitan sa kasalukuyan.
Nauna munang maglabas ng cryptic post ang younger sister na tila nakahinga nang maluwag sa pakikipag-bonding sa ibang kaanak.
These family members included the actress’ other sister at asawa nito at ang kanyang mga pamangkin.
Ito’y walang iba kundi si Kim Chiu.
Kaagad kumalat ang tsikang nagkakaproblema sila ng nakatatandang kapatid, si Lakam.
Si Lakam ang katuwang ni Kim sa itinayo nitong negosyo na in fairness ay kumikita.
Sinasabing milyones ang ipinuhunan ni Kim sa franchise business na ‘yon.
Pero dito na umano nag-ugat ang problema.
Nasa auditing stage ang itinayong negosyo ni Kim nang matuklasan daw niyang ang natira na lamang dito ay P10,000.
Bukod dito’y may mga payables daw ang negosyo na hindi umano nabayaran ni Lakam, which Kim allegedly had to shoulder.
Kung bakit nagawa umano ni Lakam ‘yon sa kapatid ay hindi pa malinaw.
Umaasa naman ang mga fans ni Kim na mareresolba ang problema nilang ‘yon ng kanyang ate.
At higit sa lahat, sana’y hindi ang Chiu sisters ang involved sa usaping ito na sa pera nagkasira. Ronnie Carrasco III