Home ENTERTAINMENT Christine, aminadong sinibak sa Wil to Win!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Christine, aminadong sinibak sa Wil to Win!December 12, 2024 12:20 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Hindi ikinaila ni Christine Bermas na isa siya sa mga naapektuhan nang mag-reformat ang Wil To Win ni Willie Revillame.Gayunpaman, naiintindihan daw naman niya ang move ng management nang baguhin ang format ng show.Willing din daw siyang bumalik sa show sakaling kailanganin ang kanyang serbisyo bilang host.Napamahal na raw kasi sa kanya ang show lalo na’t sa pamamagitan ng game and variety show ay nailalabas niya ang iba pa niyang potensyal.Sa panayam pa ni Aiko Melendez sa vlog, nabuking na pantasya pala ng sexy actress si Arron Villaflor among her leading men.Sinabi pa niya na sa kasalukuyan ay single siya pagkatapos ng hiwalayan nila ng Vivamax actor na si Nico Locco.Sey pa niya, pahinga na rin daw siya sa pagpapaseksi sa mga pelikula.Feeling daw kasi niya ay naka-quota na siya sa pagbibilad ng alindog pagkatapos makagawa ng labinlimang Vivamax movies.Gusto na raw kasi niyang mag-evolve bilang isang serious dramatic actress tulad ng kanyang idolo: ang namayapang aktres na si Jaclyn Jose.Si Christine ay kasama sa cast ng Celestina:Burlesk Dancer na pinagbibidahan ni Yen Durano.Ito ay mula sa panulat ng National Artist na si Ricky Lee at sa direksyon ni Mac Alejandre. Archie Liao