Ito ang Christmas wish ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
“I don’t know how specific you want to get, but that for Christmas… that the legislature will provide us a good budget,” ang sinabi ni Pangulong Marcos sa isang episode ng BBM Podcast, inere araw ng Huwebes.
“That will make for a very nice Christmas,” aniya pa rin.
Matatandaan na ang 2025 national budget ay nagong kontrobersiyal dahil sa usapin ng korapsyon at di umano’y insertions o pagsisingit, kung saan may ilang mambabatas ang isinangkot sa anomalya.
Maging ang Pangulo ay idinawit sa nasabing anomalya, isang alegasyon na kaagad na pinabulaanan ng Presidential Communications Office (PCO) at tinawag itong fake news.
Sinabi ng Malakanyang na ang enrolled copy ng 2026 General Appropriations Bill (GAB) ay isusumite sa Pangulo para sa kanyang gagawing pagrerebisa at pag-apruba bago ang araw ng Pasko.
Target namang lagdaan ang General Appropriations Act (GAA) ng susunod na taon sa Disyembre29.
Maliban sa magkaroon ng ‘good budget’ para sa bansa, sinabi ni Pangulong Marcos na nais niyang magkaroon ng mas maraming oras kasama ang kanyang pamilya sa gitna ng kanyang busy schedule.
“Intangible, more time with my family,” ayon kay Pangulong Marcos.
Inamin ng Pangulo na na-miss niya ang mga panahon na namumuhay siya ng simple sa Ilocos province kasama ang kanyang pamilya.
“So, of course, we used to enjoy that very much, especially when we were living in Ilocos. Wala pang trabaho ‘yung mga bata. Simple simple lang ‘yung buhay namin noon,” ang winika ng Pangulo.
“I miss that. But you know, I’m not saying uh I’m, I’m, I’m not happy to be here. I’m happy to be here because you’re given again the privilege to help, to do something, to help people’s lives. That’s the biggest privilege that anyone can give you. If you’re in public service, that’s the most… that’s a golden,” aniya pa rin. Kris Jose