Home ENTERTAINMENT CIaudine, nabinat; 2-day event with the fans, kinansela!

CIaudine, nabinat; 2-day event with the fans, kinansela!

260
0

Manila, Philippines – Kinailangang ipagpaliban ni Claudine Barretto ang nakatakda sana niyang dalawang araw na pakikipag-bonding sa kanyang mga fans.

The actress had to call off the event supposedly last December 16 and 17 dahil sa relapse ng kanyang anorexia nervosa.

Ang nasabing sakit ay isang eating disorder na karaniwang kontrolado ng takbo ng pag-lisip.

May kaugnayan din ito sa baluktot na pananaw sa pagpapayat at ibang health issues.

Hindi lingid sa kaalaman ng publiko ang mga iniindang discomfort ni Claudine–dahilan para bigyan niya ito ng agarang medical attention.

Hindi man natuloy ang kanyang pakikisalamuha sa mga masugid na tagahanga ay kasado na ito sa February 2026.

“I promise it will all be worth it,” pangako ng aktres sa mga tagasubaybay niya.

Of late, in the news si Claudine na hinihinalang hiwalay na kay Milano Sanchez.

Ang paninigaw umano ng aktres sa matagal nang kasambahay ni Milano ang dahilan ng pakikipagkalas ni Milano sa kanya.

Pero sa halip na magpakalugmok, Claudine was quoted to have said: “No regrets… only lessons learned!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here