Home NATIONWIDE Classroom disciplinary climate sa Pinas, nangangailangan ng atensyon- PISA

Classroom disciplinary climate sa Pinas, nangangailangan ng atensyon- PISA

1
0

MANILA, Philippines – NANANATILING nangangailangan ng atensyon ang classroom disciplinary climate sa mga eskuwelahan sa Pilipinas dahil na rin sa ulat na maraming mag-aaral ang nagagambala ang kanilang pag-aaral dahil sa ingay, kakulangan ng atensyon at hirap sa pagtatrabaho tuwing Science lessons, ayon sa presentasyon ng Department of Education ukol sa resulta ng 2025 Programme for International Student Assessment (PISA).

Sa katunayan, tinukoy sa presentasyon ng DepEd ang ‘disciplinary climate’ bilang isa sa mga larangan na nangangailangan ng improvement, kahit pa sinasabi ng mga mag-aaral na may malakas na antas ng suporta mula sa kanilang guro.

Kabilang sa mga mag-aaral na pinoy na natanong, 79% ay nagpahayag na ang ingay at kaguluhan ang nakagagambala sa ilang aralin sa Agham.

Samantala, napaulat na 75% ng mga mag-aaral ang hindi nakikinig sa kung ano ang sasabihin ng kanilang guro habang 65% naman ang hindi makatrabaho o makapag-aral ng mabuti sa ilang aralin.

Tinitingnan naman ang disciplinary-climate measure ng PISA kung ano ang aspeto na nakagagambala sa oportunidad na makapag-aral ng maayos ang mga estudyante.

Nauna nang inilarawan ng OECD ang hakbang bilang “covering factors such as noise and disorder, students listening to teachers, and students’ ability to concentrate on academic tasks.”

Ang pagkakatuklas sa classroom discipline na iniulat ng mga guro ay nakakuha ng malakas na suporta mula sa mga estudyante.

Ayon sa presentasyon ng DepEd, may 86% ng mga Filipinong mag-aaral ang nagsabi na nagpapakita ng interest ang mga guro sa pag-aaral ng bawat estudyente.

May 88% din ang nagsabi na patuloy na nagtuturo ang mga guro hanggang maintindihan ng mga estudyante habang 87% naman ang nagsabi na may mga guro ang nagbibigay ng ekstrang tulong sa mga estudyante kapag kailangan ito.

Dahil dito, bagaman sa pagkalahatan ay iniuulat ng mga estudyante na nakakukuha sila ng suporta mula sa kanilang guro, nananatili pa ring isang malaking hamon ang classroom environment.

“The findings also come as the Philippines posted its highest PISA scores since joining the assessment in 2018, with mean scores of 367 in Reading, 371 in Mathematics and 373 in Science in 2025,” ayon sa ulat. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here