Manila, Philippines- Need daw ng dasal ngayon ng aktres na si Claudine Barretto.
Nagkaroon daw kasi ng depression ang kapatid ni Gretchen.
“Yes this is what depression looks like.
“So pls dont judge. We all need more understanding and compassion,” sabi pa sa caption ni Clau.
Sa naturang video na nakapost ay nasa hospital bed si Claudine at sinusuutan siya ng medyas ng adopted son.
Nagbigay nga ng kaunting kaluwagan ang comforting words sa kanya ng Star for all Seasons na si Vilma Santos after mabasa ang post ni Claudine sa socmed.
“Hi, my dearest baby Claude. We are all here loving you.. Dito lang kami para sa yo.
“Tomorrow is another day! Be happy, smile and enjoy life cause you are blessed. I love you!” sabi ni Ate Vi.
Matatandaang naging close sina Ate Vi at Claudine at nagturingang tunay na mag-ina sa pelikulang Anak ilang taon na ang nakalilipas, huh!
Sinabi naman ng social media star na si Small Laude na ipinagdarasal niya ang actress: “Praying for you. Hugs.”
Inamin na rin naman noon ni Claudine na nagpapa-rehab nga siya sa Thailand.
Pero diniin niyang hindi ito dahil sa droga kundi sa post-traumatic stress disorder.
Samantala, kumalat na ang balita na papasukin na rin daw ni Claudine ang pulitika.
Dalawang magkasunod na araw na namahagi si Claudine ng relief goods sa district one sa Tondo, Manila.
Hindi nga lang malinaw kung konsehal o kungreso ang papasukin ni Claudine, huh!
Sabi pa ng naghatid ng balita sa amin na malakas daw ang loob ni Claudine kasi may isang maempluwensiyang individual daw ang nasa likuran ng aktres, huh! Jimi Escala