Home ENTERTAINMENT Claudine, naospital, nakiusap na wag husgahan!

Claudine, naospital, nakiusap na wag husgahan!

244
0

Manila, Philippines- Please don’t judge!

Ito ang pakiusap ni Claudine Barretto kasabay ng kanyang pagpapaospital dahil sa depresyon.

Matatandaang minsan nang inamin ng aktres na siya’y sumailalim sa rehab.

Pero hindi raw ito dahil sa isyu ng droga tulad ng kumalat na tsismis.

Ang kanyang pagpapa-rehab ay bunga ng kanyang PTSD o post-traumatic stress disorder.

Pinabulaanan din niyang ikinulong siya’t nakakandado ang kanyang silid sa facility.

Sa katunayan, may massage at facial treatment pa nga raw sa pasilidad na pinanggalingan niya sa bansang Thailand.

Her confinement has earned get well messages from colleagues including Vina Morales and Batangas Governor Vilma Santos-Recto.

“Baby Claude” ang tawag ni Vilma sa aktres na gumanap bilang anak niya sa pelikulang Anak many years ago.

Maging si Small Laude ay nagpaabot din ng mensahe kay Claudine.

Kung matatandaan din, inireklamo ng aktres ang kapatid niyang lalaki na umano’y nagbantang magsisiwalat ng tungkol sa mga umano’y “baho” niya.

Pinaratangan ni Claudine na kinakampihan daw ng kapatid si Marjorie who has an axe to grind against her.

Kilalang mas malapit si Claudine sa ate niyang si Gretchen.

Hindi malinaw kung saang ospital naka-confine ang aktres. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here