Home ENTERTAINMENT Cleopatra look-a-likes na sina Wilbert at Imelda Papin, nagkita!

Cleopatra look-a-likes na sina Wilbert at Imelda Papin, nagkita!

Manila, Philippines – Nakisali at nag-trending ang Cleopatra challenge ng socmed influencer na si Wilbert Tolentino kung saan as of press time ay nakakuha ito ng 9.5M views sa FB, 41M views sa TikTok and still counting.

Nakakuha si Wilbert ng nga papuri at meron ding mga bashing.

Karamihan sa mga comments ng netizens na nakuha ni KaFreshness ay nagsasabing ka-look-a-like daw niya ang Jukebox Queen at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Board of Director na si Imelda Papin kapag naka-Queen Cleo costume.

Dahil dito ay nagpasya si Wilbert na mag-courtesy call at magbigay respeto kay Papin sa opisina nito sa PCSO head office.

Nagkita, nagyakapan at nagkwentuhan ang dalawang ka-look-a-like ni Queen Cleo nang nag-meetup.

“Idol ko talaga si Mam Imelda at masaya kaming nagkunustahan. Itinuturing ko siya na icon ng OPM.

“Sino ang makapagsasabi na dahil sa Cleopatra trend ay magkukrus muli ang landas namin at magiging tulay para sa mas magandang pakikipagkaibigan.

“Hindi magiging hadlang ang mga bashing para makapagbigay saya at aliw sa mga tao,” sabi pa ni KaFreshness.

“Tuloy-tuloy lang tayo sa pagpapasaya dahil good vibes lang tayo dapat!” dagdag pa ni Wilbert.

Umabot din sa halos dalawang oras ang official visit ni Wilbert kay Madan Imelda kung saan nagkagulo at nagpa-selfie ang halos lahat ng tao sa PCSO office sa dalawang public servant.

May your tribe increase Wilbert and Imelda. JP Ignacio