Home HOME BANNER STORY Climate change, paghandaan – PBBM

Climate change, paghandaan – PBBM

MANILA, Philippines – SINABIHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na dapat na maghanda sa climate change.

Ang pahayag na ito ng Pangulo ay kasunod ng matinding sama ng panahon na dala ng Super typhoon Egay at bagyong Falcon.

Sa isinagawang distribusyon ng tulong mula sa gobyerno sa Pampanga, tinugunan ni Pangulong Marcos ang mga biktima ng kalamidad.

Tinuran ng Pangulo ang malaking volume ng ulan sanhi ng masamang panahon.

“Kailangan natin paghandaan talaga itong ating tinatawag na climate change. Nagbabago po ang panahon.. HIndi sumusunod sa dati,” ayon sa Pangulo.

“Kung titingnan nyo ang ating secretary, nakakunot lahat ang kanilang mga noo, dahil iniisip nila kung paano makapag-ready,” dagdag na wika nito.

Dumalo naman sa nasabing event sina Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian at Department of Labor and Employment Bienvenido Laguesma.

“Dahil wala naman tayong magagawa sa weather, pero sa  paghanda sa mga … paghanda sa mga magiging biktimas ng mga baha ng bagyo, ay pinaghahandaan natin ng mabuti. Nandiyan po ang lahat ng pagtulong sa ating mga kababayan,” ang sinabi ng Pangulo sa mga biktima ng kalamidad. Kris Jose