MANILA, Philippines – Nagbigay na ng palugit hanggang sa Lunes, September 30 si House Speaker Faustino “Bojie” Dy III upang umuwi ng Pilipinas si Ako Bicol Rep. Elizaldy Co upang harapin ang mga alegasyon laban sa kaniya.
Nagbabala si Dy na kapag nabigong bumalik si Co hanggang sa Lunes, “shall be construed as a refusal to subject yourself to the lawful processes of the House and will result in the initiation of appropriate disciplinary and legal actions.”
Tugon ito ni Speaker Dy sa pagkwestyon ni Co kung bakit binawi ang kaniyang travel clearance.
Ayon kay Dy, ang naunang sulat ni Co ay ipinasa sa House Committee on Ethics kung saan hinainan na ito ng isang reklamo.
Dagdag pa ni Dy sa kaniyang tugon kay Co na “should you choose to return home, the House will coordinate with the proper authorities to secure your safety and that of your family.”
Nilinaw din ni Dy na ang kanselasyon sa travel clearance ni Co ay “a necessary opportunity to answer the allegations against you directly and in the proper forum.”
Ani Dy, ang pag-uwi ni Co ay tanging paraan upang masagot niya ang lahat ng akusasyon laban sa kaniya sa pagsasabing “coming home will allow you to respond to this complaint, as well as to fully present and elaborate on the defenses you outlined in your letter. The only proper way to address these matters is not through correspondence from abroad, but by returning, appearing at the proper forum, and answering the charges directly.”
Nauna rito ay naghain ng isang reklamo si Navotas Rep. Toby Tiangco sa House Ethics Committee laban kay Co, bilang dating chairman ng House Appropriations Committee sa gitna ng iskandalo sa mga flood control projects ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Binanggit ni Tiangco sa kaniyang reklamo laban kay Co ang mga paglabag sa saligang batas, code of conducts and ethical standards for public officials and House rules.
Sinabi pa ni Tiangco sa kaniyang reklamo na ang mga paglabag nang pinayagan ni Co ang umano’y maanomalyang pagsisingit ng flood control funds.
Kinuwestyon din ni Tiangco ang matagal ng pagkawala ni Co simula nang pumasok ang 20th Congress na ayon sa ulat ay nasa Amerika upang magpagamot.
Tinugon naman ito ni Co na siya ay uuwi upang harapin ang mga akusasyon laban sa kaniya. Meliza Maluntag