Home NATIONWIDE COA Commissioner na may asawang contractor sa DPWH, pinagbibitiw sa pwesto

COA Commissioner na may asawang contractor sa DPWH, pinagbibitiw sa pwesto

316
0

MANILA, Philippines – Agarang pinagbibitiw ng isang mambabatas si Commission on Audit (COA) Commissioner Mario Lipana matapos mabanggit ang pangalan ng kaniyang misis na isa ring kontraktor sa Department of Public Works and Highways (DPWH).

Sa patuloy na paghimay ng House Committee on Appropriations sa 2026 General Appropriations Bill (GAB) ay ipinanawagan ni ACT Teachers Partylist Rep. Antonio Tinio ang pagbibitiw sa pwesto ni Lipana dahil sa aniya’y conflict of interest nang lumutang ang ulat ukol sa misis nito na siyang presidente at general manager ng Olympus Mining and Builders Group Philippines Corporation ayon na rin sa rekord ng DPWH.

“Batay sa dokumentong isinumite ng COA, mayroong siyam na mga proyekto ngayong taon ang kumpanya ng asawa ni Commissioner Lipana na umabot na sa mahigit ₱326 million. Sa siyam na proyektong ito, lima ang nagkaroon na ng first partial payment. Bukod pa ito sa dalawang proyektong nasa Sumbong sa Pangulo website na nagkakahalaga namang ₱178.5 million,” paliwanag ni Tinio.

Si Lipana ayon kay COA Chair Gamaliel Cordoba ay naka-medical leave at kasalukuyang nagpapagamot sa Singapore mula pa noong August 11.

“This is not about the quality of flood control projects. This is about the fundamental principle that constitutional commissioners cannot profit from government contracts. The Constitution is clear, the COA Chair’s admission is clear, and the solution must be equally clear: Commissioner Lipana must resign immediately.”

Giit pa ni Tinio na ang ganitong financial interest ay dapat deklarado sa SALN ni Lipana.

Ngunit tugon ni Cordoba na walang kapangyarihan ang COA na magpatalsik sa mga commissioners kungdi sa pamamagitan lamang ng impeachment. (Meliza Maluntag)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here