Home METRO COC filing sa Bangsamoro elections, ipinagpaliban ng Comelec

COC filing sa Bangsamoro elections, ipinagpaliban ng Comelec

294
0

MANILA, Philippines – Ipinagpaliban ng Commission on Elections (Comelec) ang filing ng certificates of candidacy (COC) para sa Bangsamoro parliamentary elections dahil wala pa ring bagong batas sa redistricting.

Sa memorandum noong December 22, inihayag ng Comelec ang postponement ng COC filing na nakatakda sana sa January 5-9, 2026. Ayon sa kanila, iaayos ang filing pagkatapos maipasa ang parliamentary districting law ng Bangsamoro Transition Authority (BTA).

Noong October, iniutos ng Supreme Court (SC) ang pagpapaliban ng Bangsamoro elections matapos ideklarang unconstitutional ang Bangsamoro Autonomy Acts 58 at 77, na nag-redistrict ng mga bakanteng puwesto, kabilang ang pagtanggal ng Sulu sa rehiyon.

Itinakda ng SC na isagawa ang elections bago mag-March 31, 2026, ngunit maaari pa ring hintayin ng Comelec ang bagong batas hanggang November 30. Sinabi naman ng BTA na target nilang maipasa ang redistricting law bago matapos ang taon. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here