Home ENTERTAINMENT Coco, kinakalampag para kay Mark!

Coco, kinakalampag para kay Mark!

182
0

Manila, Philippines – Head ng creative department si Coco Martin ng pinagbibidahang Batang Quiapo sa primetime TV.

He goes beyond overseeing the artistic aspect of the series, dahil co-producer din si Coco’y may upperhand siya when it comes to engaging the services of fellow actors–most especially the jobless ones.

Kumbaga, itinutuloy lang ni Coco ang tradisyon na una niyang ginawa sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Dahil dito’y maraming artista ang nabigyan ng pagkakataon at exposure–income source din ‘yon.

Sa aspetong ito pumapasok sa isip ng mga maawaing netizens ang problemadong si Mark Herras.

Naintriga ang marami sa “crying video” ng dancer-actor–sparking talks na may pinagdadaanan si Mark.

Bale ba, nagsanga-sanga na ang tsika.

Bukod sa problema sa pananalapi, damay din ang pagsasama nila ng asawang si Nicole Donesa.

Obyus na in a serious financial crisis ang unang alumnus ng GMA artista search na Starstruck.

Kaya naman kinakalampag ng mga netizens si Coco–sana daw ay alukin nito ng papel si Mark para makaalwan-alwan sa kinakaharap na problema.

Eh, sa GMA naman–kung nais daw talaga nitong bigyan ng trabaho si Mark, ‘di sana’y ginawa na nito.

But sadly, wala.

Si Coco na lang daw ang pag-asa ng mga netizens na naniniwala sa kakayahang meron si Mark.

May lulugaran ba sa BQ si Mark, ha, Coco? Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here