Home ENTERTAINMENT Coco, naghahanap ng bahay sa Spain!

Coco, naghahanap ng bahay sa Spain!

326
0

Manila, Philippines – Kapag nagkataon ay posible pa silang maging magkapitbahay.

Ito ang hula na hindi malayong mangyari kay Bea Alonzo at sa rumored couple na sina Coco Martin at Julia Montes.

Take note, ang tinutukoy na lugar ay hindi sa Maynila o sa farm sa isang probinsya kundi sa bansang Spain.

Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na nakabili na ng bahay si Bea sa Madrid, kabisera ng Spain.

Reportedly, naghahanap daw si Coco ng bahay sa Spain.

Can-afford namang bumili ni Coco ng property doon.

Ang tsika pa, not only is Coco a millionaire kundi bilyonaryo pa!

Bagay na hindi naman daw nakapagtataka dahil masipag, matiyaga at mapangarap si Coco.

Sabi pa nga ni Cristy Fermin: “Ang tiyak na itatanong n’yo ay kung kasama ba ni Coco na maninirahan si Julia sa Spain pagdating ng araw na gusto na nilang mamuhay nang pribado? One plus one equals two lang ‘yan!” Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here