Home ENTERTAINMENT Cocoy Laurel, pumanaw na, 72!

Cocoy Laurel, pumanaw na, 72!

Manila, Philippines – Sumakabilang-buhay na ang singer-actor na si Cocoy Laurel nitong June 14.

He was 72.

Kinumpirma ng kanyang pamilya ang kanyang pagpanaw sa pamamagitan ng Facebook account ni Celia Diaz Laurel nitong June 16.

Ni-repost naman ito ng pamangkin ni Cocoy na si Nicole Laurel Asensio, calling him Ninong.

Si Cocoy ay isa sa walong mga anak ni dating Vice President Salvador “Doy” Laurel at Celia Diaz Laurel.

His last public appearance ay sa burol ng National Artist at Superstar na si Nora Aunor noong Abril.

Sa kabila ng kanyang mahinang pangangatawan, sumipot doon si Cocoy.

Iniregalo din niya ang gawang painting kay Nora.

Taong 1971 noong gawin nila ni Nora ang pelikulang Lollipops and Roses.

Nasundan ito ng Impossible Dream noong 1973.

Taong 1974 noong muli silang magsama ni Nora sa Lollipops and Roses at Burong Talangka.

Nakasama rin ni Cocoy si Vilma Santos sa Ophelia at Paris at dalawa pang pelikula.

Ayon sa kanyang mga naulila, napaka-prayerful daw ni Cocoy hanggang sa mga huling sandali nito.

Mula sa Remate Online, ang aming taospusong pakikiramay sa mga naiwan ni Cocoy Laurel. Ronnie Carrasco III