Home OPINION COL. ‘EQUALIZER’ SA KONSEHO NG CALOOCAN

COL. ‘EQUALIZER’ SA KONSEHO NG CALOOCAN

NATITIYAK kong batid ng aking kaibigang bagong retiradong P/Col Ferdinand ‘Ferdie – Equalizer’ Del Rosario ang pinapasok  niyang magulong mundo ng pulitika.

Dahil alam namang mahirap sumuong sa larangan ng pulitika pero, tila nakapagdesisyon na. Hindi na tinatanggihan ang imbitasyon – birthday man ito, binyag o kahit na anong event gatherings.

Kung sabagay, sa kwalipikasyon, walang dudang over-qualified si Pareng Ferdie,  kumbaga’y pinaghirapan ng maraming taon bago nakuha ang mataas na posisyon sa pambansang pulisya.

Sa halos  tatlong dekadang serbisyo ay hindi matatawaran ang naging ambag na ‘accomplishment’  sa police organization, partikular sa mother unit ⁶ –  ang Caloocan  City   Police.

Pero higit sa mga  ‘achievement’ na nakakabit sa kanyang maningning na police career, hindi rin maitatatwa ang personal na  kontribusyon niya na nagbigay saya sa natulungang mga Caloocanian.

Naalala ko tuloy  isang araw noong  pandemya – kasama ang iba pang volunteers, ay sinuong ni Pareng Ferdie ang napakadelikadong ilog para maghatid ng ayuda sa mga residente.

Sa panahong iyan na nakakatakot  ang paligid dahil sa  nakakamatay na covid virus,  buong tapang na sinuong ang lugar para makapag- deliver ng pagkain at iba pang pangangailangan.

Hindi maitatago na sa pakikisama, hindi ‘kill joy’ si Kernel dahil ‘di napapahiya ang lumalapit na may problema, angking katangian na  bihira nang makita dahil iilan na lang ang ganitong mga nilalang.

Sa kasalukuyang PNP na hindi na rin alam ng maraming police official ang kahulugan ng public relation, si Pareng Ferdie ay isang opisyal na ‘di nagbabago ang mabuting pakikitungo sa media.

Nagsilbing maayos bilang alagad ng batas kaya ‘di nakapagtatakang maaasahang 2nd district councilor din si  ‘Equalizer’ kung mabibigyan ng pagkakataon ng mga batang Kankaloo come May 2025 election.

Laging handang humarap sa  dumarating na unos si Pareng Ferdie kaya binansagan siyang ‘Equalizer’.