Home ENTERTAINMENT Comedy bar ni Pokwang, pinangangambahang mag-‘flop’!

Comedy bar ni Pokwang, pinangangambahang mag-‘flop’!

318
0

Manila, Philippines – Matagal nang taglay ni Pokwang ang tinatawag na entrepreneurial spirit.

The TV host-comedienne’s shot at business ay sa pamamagitan ng kanyang bottled food products.

“OA” nga sa dami ang array from which a foodie can choose–from gourmet tuyo to crab paste to laing.

Ito pa ‘yung negosyong itinatag niya during her happier days with Lee O’Brian.

Nang maghiwalay sila, ni-repackage ito ni Pokwang.

One good thing about her business, siya mismo ang nagpe-prepare nito.

Bukod dito’y meron pa siyang pinasok na pagkakakitaan aside from her showbiz work.

Ito ‘yung Laugh Eat Comedy Bar.

Tanungin n’yo kung nasaan lang naman ito…sa Real, Quezon!

Yes, sa lalawigan ng Quezon at hindi sa lungsod ng Quezon!

Unless siya ang makikita mismo doon ay tiyak na malakas ang hatak nito sa mga mahilig tumambay sa comedy bar.

Eh, dahil nasa Maynila ang trabaho niya, obligado siyang pumirmi sa Real para tutukan ito.

Makaya kaya niya?

Good luck na lang kung magki-click ang comedy bar na ‘yon! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here