Home NATIONWIDE Comelec: 12 munisipalidad sa BARMM nasa ‘red category’

Comelec: 12 munisipalidad sa BARMM nasa ‘red category’

259
0

MANILA, Philippines – Inilagay na ng Commission on Elections (Comelec) sa ‘red category’ ang 12 munisipalidad sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Ayon kay Comelec Chairman Erwin George Garcia, kabilang sa red category sa Basilan ang munisipalidad ng Al Barka, at anim sa Lanao del Sur.

Mayroon ding limang munisipalidad sa Maguindanao del Sur na nasa red category.

Ang nasabing kategorya ang pinakamataas sa apat na kategorya ng areas of concern.

Gayunman, naninindigan si Garcia na walang dahilan para maalarma ang sitwasyon ng seguridad sa rehiyon.

Katunayan, sinabi ni Garcia na ang sitwasyon ng kapayapaan at kaayusan sa Bangsamoro ay pangkalahatang mapayapa hanggang ngayon.

Dagdag pa niya, hindi pa nila matukoy ang anumang lugar na kailangang ilagay sa kontrol ng Comelec dahil sa pagkakaroon ng karahasan. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here