Home NATIONWIDE Comelec: Boto, ‘di karahasan, tamang paraan ng pagpapahayag ng saloobing politikal

Comelec: Boto, ‘di karahasan, tamang paraan ng pagpapahayag ng saloobing politikal

42
0

MANILA, Philippines – Binigyang-diin ni Comelec Chairman Erwin George Garcia na ‘boto’ ang tamang pagpapahayag ng saloobin at hindi ang panawagan ng rebolusyon o karahasan.

Ginawa ni Garcia ang pahayag sa huling araw ng voter registration kahapon kung saan dinagsa ng mga bagong nagparehistro.

Sinabi ni Garcia na dapat gamitin ang boto o ang balota sa halip na manawagan ng rebolusyon o karahasan bilang pagpapahayag ng saloobin.

Nagtalaga ang Comelec ng ilang registration sites kahapon na ayon kay Comelec spokesperson John Rex Laudiangco ay sumobra ang dami ng mga nagnanais na magpatala.

Humingi naman ng paumanhin ang comelec sa publiko matapos magkaroon ng maagang cut off sa ilang mga registration sites nila.

Ayon kay Laudiangco, ang kadalasang nasa 1.2 libo hanggang 1.5 libo sa kada registration site ay umabot sa mahigit 2k katao.

Bagamat ikinatutuwa nila aniya ang interes ng publiko na magparehistro at makaboto ay kailangan ipatupad ang last day provision kung saan kailangan alamin kung ilan lang kayang iproseso sa araw na iyon.

Nagpasalamat din si Laudiangco sa mga tumangkilik ng voter registration sa loob ng pitong buwan kung saan nakapag proseso anila sila ng 5.2 milyong aplikante. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here