MANILA, Philippines – Puspusan ang paghahanda ng Commission on Elections (Comelec) para sa pagsasagawa ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Parliamentary Elections (BPE) sa Oktubre 13.
Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na hindi pa sila nakakatanggap ng impormasyon sa posibilidad na muling ipagpaliban ang BPE.
“To the people of the Bangsamoro, we will proceed with the elections at all costs. That is our commitment to you”, sabi ni Garcia.
Aniya, hanggat walang pagbabago sa batas, ipagpapatuloy ang halalan.
Nauna rito, isinulong ng Republic Act 12123 ang BPE mula Mayo 12, 2025 sa Oktubre 13, 2025. Jocelyn Tabangcura-Domenden