MANILA, Philippines – Muling iginiit ng isang miyembro ng parliament (MP) ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na ang Bangsamoro Autonomy Act No.77, o ang redistricting law ay magbibigay daan para sa maayos na unang parliamentary elections sa Bangsamoro region kaya kinakailangan ng Commision on Elections na ipatupad ito.
Paliwanag ni MP Naguib Sinarimbo, na ang pangunahing layunin ng pagpapalawig ng Bangsamoro Trnasition Authority (BTA) hanggang Oktubre 31 ngayon taon ay upang matiyak ang pagpasa ng batas sa pagbabago ng distrito.
Dagdag pa, ang redistricting law aniya ay tutugon sa matagal nang kawalan ng katiyakan sa pagsasagawa ng unang regular na parliamentary elections sa BARMM.
Nauna rito, binaggit ni Comelec Chairman George Garcia ang kakulangan ng materyal na panahon biang dahilan upang hindi ipatupad ng Comelec ang batas na muling pamamahagi ng pitong parliamentary seats na orihinal na inilaan para sa Sulu. Jocelyn Tabangcura-Domenden