Home NATIONWIDE Comelec magdaraos ng tech fair sa bagong election system

Comelec magdaraos ng tech fair sa bagong election system

252
0

MANILA, Philippines – Plano ng Commission on Elections (Comelec) na magdaos ng isa pang technology fair sa unang bahagi ng susunod na taon upang malaman ang mga pinakabagong automated election systems (AES) na available sa merkado.

Ayon kay Comelec Spokesperson John Rex Laudiangco, ang pagdaos ng naturang kaganapan ay magbibigay sa kanila ng ideya ng mga pinakabagong teknolohiya para sa pagdaos ng mga halalan.

Sinabi ng tagapagsalita ng Comelec na titingnan nila ang ilang mga components sa bagong sistema ng halalan, kabilang ang madaling gamitin, magbigay ng tumpak na resulta, at iba pa.

Sa nakaraang halalan noong Mayo 2025, gumamit ang Comelec ng automated counting machines (ACMs) na ibinigay ng Miru Systems, isang kompanyang nakabase sa Korea.

Noong 2019 nang huling magdaos ang Comelec, kasama ang Department of Information Communication Technology (DICT) at Comelec Advisory Council (CAC), ng AES Technology Fair, kung saan nakilahok ang ilang mga tagapagbigay ng teknolohiya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here