Home NATIONWIDE Comelec, magpapadala ng show cause order sa mga tumanggap ng donasyon sa...

Comelec, magpapadala ng show cause order sa mga tumanggap ng donasyon sa contractors

255
0

MANILA, Philippines – Padadalhan na ng show cause order ang mga tumakbong kandidato na umano’y tumanggap ng donasyon mula sa mga contractor noong 2022.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, hihingan ng paliwanag ng Political Finance and Affairs Department ang mga kandidatong sinasabing nakinabang matapos sumagot na ang ilang contractor.

Samantala, natanggap na rin ng Comelec ang certification mula sa 31 na contractor na umano’y nagdonate din sa mga kandidato nitong nagdaang 2025 midterm elections.

Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbibigay ng donasyon ng mga government contractors sa mga kandidato sa halalan alinsunod sa Omnibus Election Code. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here